top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

‘Pinas lang ang tanging bansa sa Asia na hindi gumagawa ng sariling bakuna

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 08, 2021



Ayon sa isa sa mga Balik Scientist ng bansa, Pilipinas lang ang tanging bansa sa Asia na hindi gumagawa ng sariling bakuna.


Ayon kay Dr. Annabelle Villalobos, isang consultant ng Johnson & Johnson Biopharmaceuticals at isa sa mga Balik Scientist ng Department of Science and Technology, kailangang simulan na ng bansa ang paghahanda sa susunod na pandemya.


Dagdag pa niya na habang hindi pa handa ang Pilipinas na magmanupaktura ng sariling bakuna, maaari nang magsimula sa formulating, filling at packaging ng mga active product ingredients na inangkat mula sa ibang bansa.


☻☻☻


Kinakailangang asikasuhin ng pamahalaan ang pagtaguyod sa kapasidad ng bansa na makapag-manupaktura ng mga bakuna.


Bukod sa bakuna kontra-COVID-19, mainam na makapag-develop din ng mga bakuna kontra sa measles, dengue, typhoid fever at iba pang nakahahawang sakit.


Kailangan na sa halip na bawasan, dagdagan pa ang pondo ng mga tanggapan ng pamahalaan na nakatuon sa research, tulad ng Research Institute on Tropical Medicine at DOST.


Kung mas malaki ang pondo ng mga opisinang ito, mapapabuti ang kapasidad at kapabilidad nito na tumugon sa kanilang mandato. Mas maraming equipment at pasilidad, at makakapag-empleyo ng mas maraming expert ang mga ito kung susuportahan sila.


☻☻☻


Inilantad ng kasalukuyang pandemya ang mga pagkukulang ng bansa, lalo na sa usapin ng public health.


Umaasa tayong matututo tayong lahat na pahalagahaan ang kalusugan, at magiging number 1 priority ng pamahalaan ang pagtaguyod sa kalusugan ng sambayanang Pilipino.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page