top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Pinas, lagapak sa World’s Happiest Countries dahil sa taas-presyo ng mga bilihin at bayarin, lubog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 26, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 26, 2023


PANANALBAHE NG CHINA, DAPAT IREKLAMO NA NG PHIL. GOVT. SA UNITED NATIONS -- Marami nang kasalbahihang ginawa sa West Philippine Sea (WPS) ang China, at ang latest ay ang paglalagay ng floating barrier o harang para hindi makapangisda ang mga Pinoy sa Scarborough Shoal na sakop ng karagatan ng Pilipinas.


Sa napakaraming beses na pambu-bully ng Chinese Coast Guard (CCG) sa Philippine Coast Guard (PCG) at sa mga mangingisdang Pinoy ay napakaraming beses na ring nagpadala ng diplomatic protest ang Philippine government, pero dinededma lang ito ng Chinese gov’t.


Sa huling pananalbahe ng China sa ‘Pinas, hindi na dapat magpadala ng diplomatic protest ang gobyerno sa China, kasi tiyak na dededmahin lang ito, kaya’t ang pinakamainam na gawin ng Philippine gov’t. ay ireklamo na sa United Nations (UN) ang China sa pananakop sa dagat na sakop ng ‘Pinas, period!


◘◘◘


‘DI NAGKAMALI SI P-BBM SA PAGTALAGA KAY SEC. GATCHALIAN SA DSWD DAHIL PINURI SIYA KAHIT OPOSISYON AT PRESIDENTE NG LP NA SI CONG. LAGMAN -- Si Albay Rep. Edcel Lagman ay kilalang kritiko ng anumang administrasyon, kahit nga noon na ang presidente ay si Noynoy Aquino na kapartido pa niya, basta’t may palpak o anomalyang nagawa ang isang miyembro ng Gabinete ni ex-P-Noy ay pinupuna niya ito.


Ika nga, hindi palapuri si Cong. Lagman, pero sa nakaraang budget deliberation patungkol sa budget ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) ay pinuri nito ang kahusayan ni Sec. Rex Gatchalian sa pagpapatakbo sa DSWD.


Ang nais nating ipunto rito ay hindi nagkamali si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa pagtalaga kay Sec. Rex sa DSWD, kasi kahit mula sa hanay ng oposisyon, sa katauhan ni Cong. Lagman na presidente pa ngayon ng Liberal Party (LP) ay napupuri ang DSWD sec. sa kahusayan ng paglilingkod sa mamamayan, palakpakan naman d’yan!


◘◘◘


‘PINAS LAGAPAK SA 2023 WORLD’S HAPPIEST COUNTRIES, KASI ‘DI MAGAWA NG MGA PINOY MAGSAYA SA TAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN, BAYARIN AT PAGKABAON SA UTANG -- Sa inilabas na datos ng Gallup World Poll na nakabase sa Washington DC sa United States (US) patungkol sa world happiness report, mula sa dating rank 60, ay lumagapak sa rank 76 ang Pilipinas sa World’s Happiest Countries ngayong year 2023.


Hindi maitatanggi na may katotohanan ang report na ito, kasi nga sino ba namang Pinoy ang magiging happy sa sobrang taas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, tapos lubog pa sa utang ang ‘Pinas, boom!


◘◘◘


IPINAGBAWAL NA NGA NI P-BBM ANG ONLINE SABONG, PERO MAY MGA LAOS NA ARTISTANG NAGPU-PROMOTE NITO SA SOCIAL MEDIA -- Sa kabila na ipinagbawal na ni P-BBM ang online sabong, ay kapuna-puna na may mga laos na artista ang nag-eendorso nito (online sabong) sa social media.


Dapat imbestigahan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Dept. of Information and Communications Technology (DICT) ang mga laos na artistang ito kasi ipinagbawal na nga ang online sabong ng presidente, tapos nanghihikayat pa sila ng mga netizens na itaya ang kanilang pera sa ganitong uri ng sugal, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page