top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Pinas, handang-handa na ba sa pagdagsa ng dayuhang turista?

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 03, 2022



Tuluy-tuloy na ang ginagawang pagluluwag sa bansa.


Noong Pebrero 1, Martes, ibinalik na sa Alert Level 2 ang Metro Manila at ilang karatig-lugar. Bagay na ikinatuwa ng marami nating kababayan dahil mas marami nang makababalik sa kani-kanilang trabaho.


Gayundin, mas maluwag na ang restriksiyon para sa mga returning overseas Filipino workers (OFWs) at para sa mga turista.


Kaugnay nito, bubuksan na ng gobyerno ang bansa sa mga dayuhang turista mula Pebrero 10. Kaya naman, naghahanda na ang Bureau of Immigration (BI) sa pagdagsa ng mga parating na dayuhan.


Base sa ilalim ng pinakahuling restriksiyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force, ang mga nabakunahang dayuhang biyahero na nagmumula sa mga bansang nasa ilalim ng Executive Order 408 ay muling pinapayagang makapasok sa bansa nang walang visa sa loob ng 30-araw.

Kasabay ng anunsiyo ang magandang balita na marami sa mga tauhan ng BI na nahawahan ng COVID-19 ang gumaling na.


Samantala, sinabi ni Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang mga fully vaccinated na dayuhan ay maaaring pumasok sa Pilipinas para sa turismo o negosyo.


Bagama’t magandang balita na kaya na nating magluwag para mas makabangon ang ekonomiya at turismo, ang tanong, handang-handa na ba talaga tayo?


Hindi naman sa pagiging nega, pero sana ay handa rin ang pamahalaan kung sakaling muling tataas ang hawahan. Mahirap kasi ‘yung bigla tayong magluluwag tapos maghihigpit din agad dahil hindi kontrolado ang sitwasyon.


Kaya kasabay ng pagluluwag na ito, sana ay mayroon tayong plano kung paano reresponde sa anumang puwedeng mangyari.


‘Ika nga, mas mabuti nang handa kaysa mangapa pagdating ng panahon.



Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page