top of page

'Pinas, dapat magkaroon ng modernong batas na magre-regulate sa social media

  • BULGAR
  • Apr 28, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 28, 2022


NANGINGIALAM na ang mga espiya ng superpower sa eleksyon sa Pilipinas.


Sinuspinde na ang FB account ng spokesman ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez.


◘◘◘


HINDI na nalalayo ang Facebook sa ABS-CBN.

Bahala sila.


Huwag silang magrereklamo kapag sinuspinde ang FB bago matapos ang taong ito.


◘◘◘


ISANG polluted source ng impormasyon ang Facebook.


Hindi nagdaraan sa editor ang mga impormasyon na ipino-post dito ng mga tao dahil kanya-kanyang diskarte lang.


◘◘◘


ANG daloy ng impormasyon sa social media ay tulad ng napakalawak na karagatan.

Marami rito ay nakalutang na “polluted content”.


Dapat itong linisin ng bawat gobyerno — hindi lang ng Pilipinas.


◘◘◘


PERO kapag kinastigo at dinisiplina ang Facebook, papalag at reresbak ang superpower na may kontrol sa negosyo.


At ang karugtong nito ay posibleng kaguluhan.



◘◘◘


MODERNONG batas ang kailangan sa Kongreso.

Dapat ay ihalal ang mga batambatang pulitiko.


Sila ang nakakaunawa sa nagbabagong henerasyon na kinokontrol ng teknolohiya.


◘◘◘


SA pagbabago sa Malacañang, dapat ay nakatuon ang mga bagong opisyal sa pagbabago at pakikiangkop sa bagumbagong lipunan.

May bago nang kultura ang umiiral sa lipunan.


Kailangan dito ay bagumbagong batas na “wala pang precedent”.


◘◘◘


DAPAT ay hindi mangopya ang mga Pinoy sa ibang bansa.


Ang Pilipinas ay dapat magpatiuna sa pagpapatibay ng mga modernong batas na magre-regulate sa mga social media platforms at applications.


◘◘◘


NAIIWANAN sa pansitan ang Pilipinas, sapagkat mga bopol at korup ang inihahalal sa Senado at Kamara.


Mga multi-milyonaryong may pambayad sa political ads ang nasa Magic 12 pero sila ay mangmang sa paggawa ng modernong batas.


◘◘◘


PAULIT-ULIT ang plataporma, panay “generic” — trabaho, hanapbuhay, edukasyon, kalusugan o iba pang kabulastugan.

May narinig na ba kayong bago tungkol sa plataporma sa gadgets, internet protocol, digital operation, at software applications?


Waley?


◘◘◘


BAKIT walang bumabanggit sa e-public administration?


Walang naglalatag ng online government system, pagpapabuti ng online classes, online payment at online work system.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page