top of page
Search
  • BULGAR

‘Pinas, dapat maging handa sa e-vehicles

@Editorial | April 23, 2024



TUMATAAS ang demand para sa mga de-kuryenteng sasakyan.


Ito rin ang nakikitang solusyon ng kinauukulan sa non-stop taas-presyo sa petrolyo.


Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bukod sa pagiging environmentally friendly, sagot din ang electric vehicles sa iba pang problema.


Kung marami umano ang gagamit ng e-vehicles posibleng bumaba ang presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo. Maaari umanong matakot ang oil companies na mawalan ng market.


Pero dapat ay makontrol pa rin ang paggamit nito para iwas-aksidente. Dapat ay magkaroon ng malinaw na regulasyon.


Gayunman, ang tanong, handa na ba ang bansa sa mas maraming e-vehicles? 


Ganundin ang publiko, kaya na ba ng budget na bumili ng e-vehicles?


‘Di kaya, ang dapat na mas pag-isipan ay kung ano ang agarang solusyon sa ‘di maawat na taas-presyo sa petrolyo bago ang pagbili ng sasakyan.


Mas makatutulong din na paghusayin pa ang sistema ng mass transportation para makatipid at makabawas pa sa trapik.


Sa totoo lang, kung maayos, ligtas at komportable ang mga pampublikong sasakyan, ‘di na iisipin ng mamamayan na gumastos para sa sasakyan at pang-gas.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page