top of page
Search
BULGAR

‘Pinas, binully na naman sa WPS, Chinese products iboykot!!!

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 24, 2023


MGA PINOY DAPAT MAGKAISA, IBOYKOT LAHAT NG CHINESE PRODUCTS SA ‘PINAS -- Dapat magkaisa na ang mga Pinoy na iboykot na ang mga produktong gawa ng China kaugnay sa ginawang pagbangga ng barkong pandigma ng Chinese Coast Guard (CCG) at Chinese militia vessel sa dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na maghahatid ng supply sa mga sundalong Pinoy na nakabase sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.


Hindi na kasi pinapansin ng China ang mga diplomatic protest ng Pilipinas, kaya’t dapat iparamdam na ng sambayanang Pinoy ang galit sa pamamagitan ng pagboykot sa mga produkto ng China na nasa ‘Pinas, period!


◘◘◘


HINDI LANG SA KOLEHIYO, DAPAT PATI SENIOR HIGH SCHOOL I-MANTORY NA RIN ANG ROTC -- Sa mga naglalabasang survey ay laging higit 70% ang pabor sa mandatory Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) sa kolehiyo.


Dapat na nga yata talagang ipatupad na ‘yang ROTC, at sana huwag lang sa kolehiyo, kundi pati sa senior high school ay ipatupad na ang mandatory ROTC kasi nga kailangan na ng mga kabataan ngayon ang magsanay sa pagtatanggol sa bansa, lalo’t panay pambu-bully ang ginagawa ng China sa ‘Pinas patungkol sa West Philippine Sea (WPS).


◘◘◘


NAWALA LANG SA POWER SI EX-P-DUTERTE, ILANG PDP LABAN CONGRESSMEN NAWALA NA ANG LOYALTY SA EX-PRESIDENT -- Suportado nina PDP-Laban Sen. Christopher "Bong" Go, Sen. Ronald dela Rosa at Sen. Francis Tolentino na bigyan ng confidential fund ang anak ni PDP-Laban Emeritus Chairman ex-P-Duterte, na si Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio.


Ang statement na ito ng tatlong senador ay pagpapakita nila ng loyalty kay ex-P-Duterte, hindi tulad ng ibang miyembro ng PDP-Laban sa Kongreso, na nawala lang sa power ang dating presidente, ay nawala na rin ang kanilang loyalty sa ex-president, tsk!


◘◘◘


DAPAT ANG POST NI TEDDY LOCSON ‘HAMAS TERRORISTS SHOULD BE KILLED’ AT HINDI ‘PALESTINIAN CHILDREN SHOULD BE KILLED’ -- Pinuputakti ngayon nang batikos, hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa si Ambassador of the Philippines to the United Kingdom Teddy Locsin kaugnay sa kanyang sablay na post sa social media na may nakasaad na “Palestinian Children should be Killed”.


Kung ang ginawa niyang post ay “Hamas terrorists should be killed”, tiyak marami pa ang matutuwa sa kanya, kaya lang mga bata ang gusto niyang mamamatay sa giyera kaya naputakti tuloy siya sa batikos, period!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page