top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

‘Pinas, biglang-taas ang COVID cases sa Southeast Asia

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 07, 2021



ONLI IN DA ‘PINAS LANG MAY ITINALAGANG SANGKATERBANG CZAR, PERO PALPAK PA RIN ANG LABAN SA COVID-19—Bukod sa walang itinalagang vaccine czar ang gobyerno ng iba’t ibang bansa, wala rin pala silang contact tracer czar, isolation czar, testing czar at treatment czar dahil ang itinalaga nilang maging frontliners sa laban sa COVID-19 ay health experts.


Bukod tanging si P-Duterte lang sa mga lider ng mga bansa sa mundo ang nag-appoint ng sangkaterbang czar, at ang masaklap, sa dami ng itinalaga niyang czar, palpak pa rin ang pamahalaan sa laban kontra COVID-19, boom!


◘◘◘


MAGPOKUS SA LABAN SA COVID-19 PARA HINDI MANGYARI ANG KAKILA-KILABOT NA 1-M HANGGANG 8.5-M POSSIBLE COVID-19 CASES SA ‘PINAS—Nakakapangilabot ang projections ng UP (University of the Philippines)-OCTA na kapag sa panahon ng lockdown ay hindi bumaba ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa ay maaaring umabot sa 1 milyong katao na ang maitatalang nagka-virus sa Pilipinas sa Abril 30, 2021, at kung magtutuluy-tuloy ang pananalasa ay posibleng pagsapit ng June 30, 2021 ay 8.5-M na ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.


Para hindi humantong sa ganyang kakila-kilabot na sitwasyon ang Pilipinas, dapat magpokus na ang Duterte gov’t. sa pagtugon sa laban kontra COVID-19, period!


◘◘◘


HUWAG MAKIPAGPALIGSAHAN SA IBANG BANSA SA PARAMIHAN NG NAGKAKA-VIRUS—Madalas ang ikinakatuwiran ni Presidential spokesman Harry Roque sa pagdami ng mga nagkaka-virus sa Pilipinas ay ganun din sa ibang bansa, na marami din ang tinatamaan ng COVID-19.


Pambihirang katuwiran ‘yan, imbes na solusyon ang ihayag ng Duterte gov’t. sa laban sa COVID-19, gusto pa yatang makipagpaligsahan sa ibang bansa sa paramihan ng mga tinatamaan ng virus, buwisit!


◘◘◘


SA SOUTHEAST ASIA, PINAKA-SHOCKING ANG PILIPINAS SA DAMI NG NAGKAKA-VIRUS—Fake news ang ipinakakalat ng mga DDS sa social media na halos lahat ng bansa ay parami rin ang tinatamaan ng COVID-19.


Totoong may ilang bansa na marami pa rin ang tinatamaan ng virus, pero mas maraming bansa ang nakokontrol na ang COVID-19, at ihalimbawa sa Southeast Asia na kinabibilangan ng Pilipinas, na noong Abril 2, 2021 ay 58 lang nadagdag sa Thailand; 43 sa Singapore; 34 sa Timor-Leste; tig-32 ang Myanmar at Cambodia; tatlo naman sa Vietnam, samantalang isa lang sa Laos at walang naitala sa Brunei; marami sa Malaysia na 1,294, mas marami sa Indonesia na 5, 325, pero pinaka-shocking sa lahat ang Pilipinas, na noong araw na ‘yun ay 15, 310 nagka-virus, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page