top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Pinas baon na sa utang, uutang na naman?!!

BULGAR
May 30, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 30, 2022


KAPAG HALALANG PAMBARANGAY NA-POSTPONE, TIBA-TIBA MGA KURAKOT NA BARANGAY CHAIRMAN AT KAGAWAD – Kung ang lahat ng mga barangay chairman at kagawad sa buong bansa ay matino, dapat lang suportahan ang kagustuhan ng tropa ni incoming Speaker Martin Romualdez na ipagpaliban ang halalang pambarangay, kaya lang ay hindi lahat matino, dahil merong mga barangay officials na corrupt.


Kaya't sakaling ang kagustuhan ng tropa ni Romualdez ang masunod sa pagpapaliban ng halalang pambarangay ay tiba-tiba ang mga kurakot na barangay chairman at kagawad kasi kahit isinusuka na sila ng kanilang mga kabarangay ay mananatili pa rin sila sa kanilang mga posisyon para kurakutin ang pondo ng kanilang mga barangay, buset!


◘◘◘


MGA NANGURAKOT SA KABAN NG BAYAN DAPAT PANAGUTIN, HINDI DAPAT PALIGTASIN SA KASO – Ang sabi ni incoming Pres. Bongbong Marcos na ngayong siya na ang nanalong presidente ay kalimutan na raw ang isyung pangungurakot sa mga nagdaang administrasyon.


Mali po 'yan P-BBM (Pres. Bongbong Marcos), kasi ang dapat ay tugisin, sampahan ng kaso at ikulong ang mga nangurakot sa kaban ng bayan sa mga nagdaang administrasyon, at hindi sila dapat paligtasin sa mga ginawa nilang pagnanakaw sa pera ng bayan, period!


◘◘◘


BAON NA NGA SA UTANG ANG 'PINAS, DUTERTE GOV'T. MANGUNGUTANG NA NAMAN – Sa huling buwan (June 2022) ng panunungkulan ay plano pa ng Duterte gov't. na mangutang ng P250 bilyon, at kung saan ito uutangin ay silang mga nasa Malacañang lang ang nakakaalam.


Lupit naman, kasi baon na nga sa utang ang Pilipinas, nagdagdag pa ng utang, boom!


◘◘◘


P-DUTERTE ENJOY SA PAGMOMOTORSIKLO KAHIT IBINAON NIYA SA UTANG ANG 'PINAS – Nag-viral sa social media si P-Duterte na masayang-masaya habang lulan ng kanyang motorsiklo na naglilibot sa Digos City.


Mantakin n'yo, ibinaon nang husto ni P-Duterte sa utang ang Pilipinas, na pumalo na sa higit P13 trilyon, tapos nagagawa pa niyang mag-enjoy sa pagmomotorsiklo, tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page