top of page
Teddy Corpuz - IG.jpg

Pinarangalan sa White Party Manila… SEXBOMB, PROUD SA GAY ICON OF THE YEAR AWARD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 29, 2026



Sexbomb - IG

Photo: Sexbomb - IG



Isang malaking tagumpay ang pagbabalik ng White Party Manila na ginanap last Saturday, June 27, sa World Trade Center sa Pasay City.


Talaga namang star-studded ang nasabing event sa pangunguna ng Phenomenal Star na si Vice Ganda in her ‘Unkabogable’ white outfit.


Needless to say, ang naturang event ay gabi ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community bilang bahagi ito ng Pride Month celebration ngayong Hunyo.


Libu-libong miyembro ng komunidad ang dumagsa at nakiisa sa event, all in their bonggang white outfits. Ayon sa ilang tagapamahala ng event, nasa 5,000 ang estimated crowd nang gabing iyon.


Obviously, na-miss ng LGBTQIA+ members ang White Party Manila na 12 years ding namahinga.


Isa sa pinakamahalagang bahagi ng event ay ang pag-turn over ni Vice Ganda at ng Mentorque Productions ng P1 million donation sa LoveYourSelf PH Foundation.


Umabot sa P700 thousand ang nalikom na donasyon ng Mentorque ni Bryan Diamante at dinagdagan nila ng P300 thousand para mabuo ang isang milyong piso.


Sa nasabing event ay pinarangalan bilang Gay Icon of the Year ang iconic all-female group na Sexbomb Girls.


“Sobrang grateful kami na napasama at talagang na-invite kami rito at magkaroon pa ng award na Gay Icon of the Year,” sey ng leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan nang makausap ng entertainment press.


“Nakaka-proud kasi sa haba ng panahon na sinasabi ng lahat na pinalaki sila ng Sexbomb, ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong klaseng award.


“Kaya sobrang happy and grateful kami. In behalf of the Sexbomb Girls, nagpapasalamat talaga kami sa recognition na ‘to.


“Sa dinami-rami ng puwede n’yong piliin, kami pa ang binigyan n’yo ng award na ito kaya thank you po,” dagdag pa niya.


Bukod sa nakamit na parangal ay nag-perform din ang Sexbomb sa event, gayundin ang iba pang OPM artists na sina Maki, Gloc-9, Marina Summers, Maxie Anderson, at Ben&Ben.


Nagkaroon din ng fashion show na pinangunahan naman nina Janella Salvador, Mimiyuuuh, Chie Filomeno, Alex Diaz, Kirk Bondad, Ron Angeles, at Teejay Marquez.


Pinarangalan din sa nasabing event sina Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Mayor Isko Moreno ng Maynila, Mayor Francis Zamora ng San Juan City, at Mayor Imelda Calixto-Rubiano ng Pasay City dahil sa pagiging allies at supporters ng LGBTQIA+.


Namataan din namin sa party si Ice Seguerra kasama ang kanyang wifey na si Liza Diño, Mark Bautista, John Sweet Lapus, Joey Mead-King, Angie King, Andoy Ranay, Martin del Rosario, Yayo Aguila, at marami pang iba.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SUNDAY,  JUNE 28, 2026  JACKPOT PRIZE*

Ultra Lotto 6/58  : 46-56-08-01-03-05 ₱ 128,000,000.00
Super Lotto 6/49 : 32-01-35-23-14-29 ₱ 46,214,516.39
3D Lotto 2 PM      : 3-26-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 0-1-7-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
7-7-0-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page