top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pinansyal na tulong sa mga magsasaka

BULGAR
Nov 7, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 7, 2022


Dear Chief Acosta,


Sa ngayon, ako ay isa sa mga nagbubungkal o naglilinang sa isa at kalahating hektaryang lupang sakahan ng aking amo sa aming probinsya. Habang pandemya ay halos hirap kaming kumita mula sa pagsasaka. Nang lumapit ako sa isa sa mga ahensya ng gobyerno sa aming probinsya, ako ay sinabihang hindi ako kuwalipakado sa kahit anong pinansyal na tulong. Nais ko lang malaman kung ito ay tama. - Capo


Dear Capo,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 3 ng Republic Act No. 11598 o ang "Cash Assistance for Filipino Farmers Act,” na nagsaad na:

“Section 3. Authorization. – The Department of Agriculture (DA) is hereby authorized to use the monies from the annual tariff revenues in excess of Ten billion pesos (P10B), as provided for in Section 13 of Republic Act No. 11203, on the Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), to directly provide cash assistance to farmers who are tilling two (2) hectares and below of rice land until 2024. The Bureau of Customs (BOC) is hereby maintained to directly remit to the DA the said excess funds.


The BOC and the DA shall, at the end of each year, submit separate reports to Congress, through the Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform and the House Committee on Agriculture and Food, on the remittance of funds and the actual fund disbursement for the year.” (Binigyang-diin)

Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang mga magsasaka na nagbubungkal o naglilinang ng dalawang hektarya o mas mababa pa rito na lupa ay direktang mabibigyan ng pinansyal na tulong magmula sa DA hanggang sa 2024. Sa iyong sitwasyon, kulang sa dalawang hektarya ang iyong nililinang na lupa. Dahil dito, maaari ka ring mabigyan ng pinansyal na tulong ng DA. Kailangan lamang ay sundin mo ang mga kondisyon at proseso na itinalaga para rito.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page