top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pinalawig na ECQ sa NCR Plus, kaya pa ba?

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | April 05, 2021



Mula ngayong araw, Abril 5, palalawigin ng isang linggo ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal, base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Kasabay ng pag-iral ng ECQ, kailangan umanong paigtingin ang PDITR o prevention, detection, isolation, tracing at reintegration upang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Gayundin, inatasan na ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng daily monitoring sa PDITR kung saan kasama ang pagbabahay-bahay o paghahanap ng mga may sintomas at pagsasailalim sa kanila sa testing at isolation.


Samantala, kung makikita sa loob ng isang linggo na gumagana ang PDITR, saka magdedesisyon kung ilalagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR Plus.


Matatandaang, pinaboran ng OCTA Research Team ang pagpapalawig ng ECQ sa NCR Plus dahil hindi umano sapat ang isang linggo para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.


Sa totoo lang, hindi na nagulat ang publiko nang ianunsiyong palalawigin ang mas mahigpit na community quarantine, pero ang tanong, kaya pa ba?


Maraming nahinto sa trabaho mula noong nakaraang linggo at ngayong extended ang ECQ, malamang na wala na namang kayod.


Hindi lang ayuda para sa mga apektadong mamamayan ang ating kailangan dahil kung tutuusin, band aid solution lang ito na kumbaga ay pansamantala lang.


Ang totoong kailangan natin ay kongkretong hakbang at epektibong plano dahil kung wala ang mga ito, tatagal lang nang tatagal ang lockdown.


Kaya ang panawagan natin sa mga kinauukulan, galaw-galaw ho! Isang taon na tayong nakikipaglaban sa pandemya at maraming natatakot na maulit lang ang mga dinanas natin noong nakaraang taon.


Isa pa, pakiusap sa mga awtoridad, pairalin ang pang-unawa sa lahat ng pagkakataon, lalo na sa mga nagsisikap na maghanapbuhay sa kabila ng mahigpit na quarantine restrictions.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page