top of page
Search
  • BULGAR

Pinalalayo kay JM dahil 'di raw bagay…

RIA, NILAIT NA MATABA, PANGIT, LAOS, 'DI NA VIRGIN, ETC., MAGDEDEMANDA!

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 30, 2020




Hindi nakatiis ang magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez na si Ria Atayde at ipinost sa kanyang Twitter account nu'ng Martes (Oct. 27) ang Viber message sa kanya ng isang basher na galit na galit dahil sa pagiging close niya sa aktor na si JM de Guzman.


Caption ng tweet ni Ria, "Please help me find the person who owns this account. No one should ever wish someone's death. This isn’t something I will take lightly."


Grabe naman kasi ang pinagsasabi sa TV5's Chika Besh! host ng naturang basher, na sabi nga, kahit yata gutom na aso ay 'di magagawang lunukin dahil sobrang below the belt.


Sabi ng basher na may user name na sandrachui ('di naman siguro ito ang nagmamaasim na Miss U Phils. contestant na si Sandra Lemonon, char! Joke lang!) (Note: Inayos lang namin ang pa-text na pagkakasulat ng mga salita), "Baka puwedeng layu-layo ka kay Kuya JM (de Guzman), ayaw kita sa idol ko, mukha kang nanay niya 'pag pinagtabi kayo. 'Di kayo bagay, ang taba mo, mas maskulado ka pang tingnan kesa sa kanya. Sikat siya, laos ka na, kaya 'di kayo bagay.


"Kahit sino ang makatuluyan ng idol ko, 'wag lang ikaw, malandi. Kasi gusto ko sa idol ko, 'yung virgin, hindi nagamit, sexy, maganda, hindi tulad mo, pangit, mataba, manggagamit pa 'pag sikat, sumisipsip," nakakalokang litanya ng basher na naka-siyento-bente yata bago nang-bash kay Ria.


At pati ang pagiging close ni Ria kay Kathryn Bernardo ay pinuna ng basher.


"Layuan mo rin si Kathryn Bernardo, mukha kang lola niya, monay pa ang mukha mo.


"Kung may pinag-aralan ka, ilagay mo sa lugar ang sarili mo, 'wag kang lumandi. Para kang higad.


"Alam mo, ang daming nagagalit sa 'yo kasi higad ka raw, malandi, p*kp*k. Akala mo, kagandang babae, mukha namang Lola Basyang."


May kasunod pa sanang mensahe 'yun pero hindi na mabasa dahil natakpan ang bandang ibaba.


Pero kung ibabase sa caption ni Ria, tipong may death threat pa sa kanya o baka winish ng naturang baliw na basher na mategi na siya para malayo na kay JM.


Well, may mga bashers na 'di na dapat pansinin kasi obyus na papansin lang, pero 'yung mga tipong ganito ay dapat talagang masampulan para magkaroon din naman ng takot ang mga netizens na nambu-bully sa social media.


At take note, si Ria pa lang 'yan, wala pa si Ms. Ibyang na kilala naming palaban din pagdating sa kanyang mga anak, kaya wait lang ang basher, mukhang may paglalagyan siya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page