top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pinalalakas, pinasasaya at pinag-iisang mga kapatid ni HesuKristo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2021
2 min read

ni Fr. Robert Reyes - @Kapaayapaan| February 14, 2021



Kahapon, Pista ng Mapighimalang Birhen ng Lourdes. Dalawang himala ang ating nasaksihan noong araw na ito. Una, ang himala ng pagkakaibigan na nagbibigay-sigla at galak sa mga kapwa pari. Sinamahan natin sina Fr. Albert Alejo Sj at Fr. Flavie Villanueva SVD sa pagpapamarka ng ebidensiya ng depensa at prosekusyon sa isang RTC ng Quezon City Hall of Justice.


Napakatagal ng proseso kung saan isa-isang mamarkahan at papangalanan ng mga abogado ng kapwa prosekusyon at depensa sa harap ng Clerk of Court ng Regional Trial Court.


Sa tagal, inabot ng mahigit dalawa’t kalahating oras. Sa gitna ng nakababagot na proseso, nanatiling matiyaga at masaya sina Fr. Bert at Fr. Flavie. At siyempre, dahil nakikita natin ang kanilang positibong disposisyon, positibo rin ang epekto nito sa atin.


Kakaiba ang mga panahong ito, ilang paring Pinoy na ang pinatay sa nakaraang limang taon: 2017 nang patayin si Fr. Marcelito Paez sa bayan ng Jaen, Nueva Eciya; Abril 2018 naman nang pinatay si Fr. Mark Ventura sa Cagayan. Samantala, Hunyo 2018 naman pinatay si Richmond NIlo sa Zaragoza, Nueva Ecija at pinatay naman noong ika-24 ng Enero sa Malaybalay, Bukidnon si Fr. Rene Regalado.


Ilang araw na lang at ipagdiriwang na ang ika-149-taon nang pagka-martir nina Mariano Gomez; Jose Burgos at Jacinto Zamora o mas kilala bilang GomBurZa na ginarote sa Bagumbayan, Luneta noong ika-17 ng Pebrero 1872.


Hindi makakalimutan ang epekto kay Paciano Rizal at sa kapatid nitong si Jose ng pagka-martir ng GomBurZa. Minulat ang marami sa kalabisan, kalupitan at kawalang katarungan ng pamahalaang Kastila na sumakop sa buong bansa.


Salamat sa mga kapatid na paring nagbibigay-lakas, galak at inspirasyon upang patuloy na paglingkuran ang Diyos, ang Simbahan at ang Bayan. Salamat din sa mga paring tulad ni Fr. Dexter Toledo na nagbigay ng lahat sa paglilingkod. Salamat sa apat na paring pinatay mula 2017 hanggang Enero ng 2021: Fadre Marcelito Paez; Fr. Richmond Nilo; Fr. Mark Ventura at Fr. Rene Regalado.


Mabuhay at salamat sa mga paring Pilipino. Mabuhay salamat sa GomBurZa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page