Pinakamataas sa kasaysayan... Piso sadsad sa P62.56 vs. dolyar
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
by Jeff Tumbado @News | September 3, 2026

Photo: File
Bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong record low na P62.565 laban sa US dollar nitong Miyerkules, Setyembre 2.
Pero bago ito, unang sumadsad pa ang piso sa all-time low na P62.69 kada dolyar sa intraday trading bago bahagyang nakabawi at nagsara sa P62.565.
Noong Martes, Setyembre 1, nagtala rin ang piso ng record-low close na P62.40 kada US dollar.
Matapos lumampas ang piso sa P62 kada dolyar noong nakaraang Biyernes, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na patuloy nitong mino-monitor ang foreign exchange market.
Ang patuloy na paghina ng piso ay maaaring magpamahal sa mga inaangkat na produkto, kabilang ang langis at iba pang pangunahing bilihin, na maaaring magdagdag ng pressure sa inflation.
Sa kabilang banda, maaaring makinabang sa maikling panahon ang mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) dahil mas maraming piso ang katumbas ng bawat dolyar na ipinapadala nila sa Pilipinas.
Gayunman, maaaring mabawasan din ang tunay na halaga ng kanilang perang ipinapadala dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, na maaaring kumain sa kanilang purchasing power.





Comments