Pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa PNP, 223 sa isang araw
- BULGAR

- Sep 9, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 9, 2020

Nakapagtala kahapon ang Philippine National Police (PNP) ng pinakamataas na kumpirmadong kaso ng tinamaan ng Coronavirus sa loob ng isang araw sa kanilang hanay.
Sa datos ng PNP Public Information Office, 223 ang bagong kaso ng mga kawani na na-infect at karamihan dito ay mga frontliners.
Nanggaling ang mga ito sa National Operation Support Unit (96), Police Regional Office III (61), NCRPO (19), National Headquarters (14), Police Regional Office IV-A (14), National Administrative Support Unit (9), Police Regional Office V (6) at sa Police Regional Office VI (4).
Umabot na sa kabuuang 4,785 kumpirmadong kaso, 16 namatay, 745 probable, 3,135 suspect at 3,337 ang nakarekober sa COVID-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.








Comments