Pinakamahal daw sa lahat… DOUBLE PLATINUM AWARD NI BILLY, BINILI NI BOSS TOYO NG P1M
- BULGAR
- Apr 28
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 28, 2025
Photo: Billy Crawford sa Pinoy Pawnstar - YT
Ini-reveal ng Pinoy Pawnstars owner na si Boss Toyo na ang pinakamahal na item na nabili niya for his memorabilia collections ay mula kay Billy Crawford.
Sa interview ng collector/content creator sa Unang Hirit (UH) ay natanong ng host na si Lyn Ching kung ano ang most expensive item na nabili niya.
Tsika ni Boss Toyo, 2 weeks ago lang daw nang ibenta sa kanya ni Billy ang double platinum award for singing the theme song of the first Pokemon movie sa halagang P1 million.
Nasabi rin ni Boss Toyo na kung mayroon siyang ise-save na items from his collection sakaling magkaroon ng earthquake, ito raw ay ang polo na isinuot ni late Francis Magalona sa music video nito na Bagsakan at ang jersey nito na ibinigay sa isang someone special.
Natanong din ang collector kung siya naman ang magbebenta ng pag-aari niyang item ay ano ito at magkano niya ibebenta.
Aniya ay ang polo shirt niyang sira-sira na suot niya noong nasaksak siya with matching blood stains pa.
Itinago raw niya ang naturang polo pero hindi pa niya nahahanap kung saan niya nailagay. Pero kapag nakita raw niya ay ibebenta niya talaga sa halagang P500,000.
AMINADO si Jak Roberto na talagang hindi madali ang pinagdaanan niya para lang maitayo ang pinangarap niyang sariling bahay.
Matatandaan nga na nitong nakaraang Marso, ipinasilip ng Kapuso actor ang construction update ng kanyang dream home na aniya ay 95% finished na.
Ayon kay Jak sa latest interview sa kanya ng GMA Network, talaga raw hindi naging biro ang mga challenges na naranasan niya sa pagpapatayo ng kanyang pangarap na tahanan.
“Kung iisa-isahin ko, baka bukas tayo matapos dito. Pero ito lang lagi kong sinasabi ‘pagka may bisita ako or ‘yung mga ka-close ko ‘pag nakaupo na kami roon sa bahay, especially du’n sa dining area. Parang sinasabi ko dati, hindi ko alam kung matatapos ba ito. Kasi nagsimula s’ya, nakita ko from lupa pa lang, tapos naging structural na rough finish.
“Tapos ako na ang talagang nag-outsource ng mga bintana, pinto, tiles. Tapos, hindi lang ‘yun ang iisipin mo ‘pag nagpagawa ka ng bahay. Gastos na, stress pa!” aniya.
“Sobrang challenging talaga, but nu’ng natapos ‘yung bahay, napaka-fruitful talaga,” dagdag pa ng binata.
Aminado rin siyang hindi niya rin inakala na magkakaroon siya ng sariling bahay. Pero ngayong nagawa na niya, kitang-kita sa aktor ang pagka-proud sa kanyang latest achievement.
“Parang hindi ko ma-imagine (at) never ko na-experience na magkaroon ng sariling bahay. Sabi ko ngayon, mas malaki pa ‘yung walk-in closet ko sa mga kuwarto ko na natutulugan before. So, grabeng achievement,” saad niya.
Nagbigay din ng payo ang aktor sa mga taong nagpaplanong magpagawa ng bahay.
“So, payo ko sa mga magpapagawa ng bahay, madaming factors, eh. Ano ba'ng gusto mo, makatipid? Gusto mo ba kaagad matapos ‘yung bahay mo?
“Or ikaw, gusto mo may personal touch talaga, ikaw talagang maging hands-on ka du’n? Kung magpapa-contractor ka talaga, wala kang sakit ng ulo, babayad ka lang nang medyo mataas, pero masusunod ‘yung timeline kung kailan matatapos ang bahay mo.
“Pero ‘pag ikaw ‘yung nag-a-outsource lahat nu’ng materyales and iko-customize mo ‘yung bahay mo, grabe, sobrang challenging. Kasi ako natuto ako maghanap ng mga materyales thru online. Pinuntahan ko talaga isa-isa ‘yung mga stores. Nakipag-haggle talaga ako sa mga hardware.
“‘Yun naman ‘yung masarap at least pagdating mo roon, wala kang sisisihin, sarili mo lang. Ako lang ang namili nitong kulay ng tiles na ‘to. Ako namili ng kulay ng mga kisame na ‘to, ganu’n,” pahayag ng aktor.
Dagdag pa niya, “Sulit ang pagod. So du’n sa mga nagdi-dream na magpatayo ng bahay, siyempre, isipin mo talaga ang gastos. Pero for me, mas naging driven ako. Mas nag-out of the box ako na ‘yung takot ko before na baka utang or hindi mabayaran, pero ‘pag natapos ‘yun, mai-inspire ka talaga magtrabaho nang magtrabaho, magsumikap, para mabayaran mo ‘yung bahay mo, and later on, tumira ka na du’n na parang ‘yun na ‘yung forever house mo.
“Parang sinasabi ko dati, hindi ko alam kung matatapos ba ito.”
Sayang naman at kung kailan patapos na ang bahay niya ay hiwalay na sila ng kanyang GF, ang aktres na si Barbie Forteza.
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
bacan4d
situs toto slot gacor