Pinaigsing operating hours ng LRT2, ipapatupad sa Dis. 24 at 31 – LRTA
ni Lolet Abania | December 13, 2022

Mas maigsing operating hours sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ang ipatutupad sa Disyembre 24 (bisperas ng Pasko) at Disyembre 31 (bisperas ng Bagong Taon), ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) ngayong Martes.
Batay sa iskedyul, para sa Disyembre 24, ang last trip papuntang Recto Station ay 8PM at ang last trip papuntang Antipolo Station ay 8:30PM.
Para sa Disyembre 31, ang last trip papuntang Recto Station ay 7PM at ang last trip papuntang Antipolo Station ay 7:30PM.
Magbubukas naman ang lahat ng stations ng 5AM.
“Since there will likely be fewer passengers on these days, the operating hours will be shortened. It also aims to give the LRT2 frontline personnel an opportunity to celebrate with their families this holiday season,” ayon sa LRTA.
Samantala, balik sa regular operating hours na 5AM hanggang 9:30PM sa Disyembre 25 (Pasko), Disyembre 30 (Rizal Day), at Enero 1, 2023 (Bagong Taon).
Mananatili naman ang pagpapatupad ng “No Inspection, No Entry” policy ng LRTA para sa lahat ng mga dalahin at gamit ng mga pasahero, kabilang na ang naka-package na mga regalo.





Comments