top of page
Pokwang.jpg

Pinagpipiyestahang hiwalay na… NETIZENS KAY KYLIE: LABAN LANG PARA SA MGA ANAK N'YO NI ALJUR!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 24, 2021
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | February 24, 2021




Binisita namin ang Instagram account ni Kylie Padilla dahil sa tsikang nagkakalabuan sila ni Aljur Abrenica base na rin sa cryptic messages na ipinost ng aktres sa kanyang IG Stories na deleted na ngayon.


May cryptic message si Kylie na “Free” at ang accompanying photo niya ay nakataas ang kanyang mga kamay. Kasunod noon ang post nitong, “I’m submissive not stupid” at sinundan ng “More self love baby girl.”


Sa Twitter, ang latest tweet nito ay “Class can't be bought,” rason para magtanong ang isa niyang follower kung ano ang nangyayari sa kanila ni Aljur.


Payo ng kanyang follower, “Keep on fighting for the best and for d sake of the kids... I know Aljur loves you so much and your kids... Kung maliit na bagay lang, pag-usapan n'yo nang masinsinan, plssss?”


May mga tweets pa si Kylie na “I’ll be okay. I always am,” at “Once again I find myself cupping my hands together, speechless but my soul pleads and I know God hears these unsaid prayers.”


Mapapansin din na walang photos ni Aljur o nila ni Aljur sa IG ni Kylie. Ang marami ay pictures ng dalawa nilang anak at ng sister ni Aljur.


Sa IG ni Aljur, may mga pictures pa rin ni Kylie, pero palaisipan ang post ni Aljur na may hawak siyang rosary at may caption na: “Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity. Thank you @vinabrenica for lending and guiding me.”


Nalulungkot ang mga nagmamahal kina Aljur at Kylie kung totoo ang balitang may pinagdaraanang problema ang mag-asawa. Dasal nilang malampasan ng dalawa kung may problema man sila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page