top of page

Pinagpipiyestahang engaged na kay Vincent… BEA, TODO-DISPLEY SA SUOT NA DIAMOND RING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 27, 20255



Photo: Bea Alonzo - IG


Ang daming ginulat ni Bea Alonzo sa kanyang last Instagram post two days ago kung saan makikitang ang ganda-ganda ng tisay na aktres habang ipine-flex ang kanyang diamond ring!


Sa aura pa lang ni Bea at kislap ng kanyang mga mata, mahahalata mo nang in love siya ngayon at may nagpapasaya sa kanyang puso.


Pero bukod sa kanyang kagandahan, umagaw din ng pansin ng mga netizens ang suot na singsing ni Bea na may kalakihan din ang bato, ha?


Kaya sa unang tingin talaga, nagkakaisa ang mga netizens sa pag-aakalang engaged na ang ex-fiancée ni Dominic Roque.


At sino pa nga ba ang paghihinalaang kayang magbigay ng diamond ring kay Bea?

Siyempre, walang iba kundi ang anak ng bilyonaryong may-ari ng Puregold na si Mr. Vincent Co na rumored boyfriend ngayon ni Bea.


Ang siste, nabasag ang saya at excitement ng mga fans at netizens dahil sa caption ni Bea sa kanyang IG post na: SAY I DO… to life, love, growth, gratitude, and new beginnings. “Because every chapter begins with a choice — to open your heart, to evolve, and to shine from within. “Wearing the Classic Collection by My Diamond, a celebration of strength, elegance, and all the beautiful ways we come into our own.”


Pero ang iba, may kutob na baka inililigaw lang daw ni Bea ang mga followers niya, pero baka talagang engaged na siya.

Hmmm… Eh, di wait nating si Bea mismo ang umamin! Atat lang, mga Marites?! Hahaha!



USAP-USAPAN at palaisipan ngayon sa mga Marites, Marisol and the likes (and the likes talaga, oh!) kung sino ang sikat na aktres na tinutukoy ng nagpakilalang witness na diumano’y isa sa mga dapat kasuhan sa controversial issue ng mga “missing sabungeros”.


Base sa exclusive report ni Emil Sumangil na umere sa 24 Oras kagabi, isang rebelasyon ang kanyang nakalap mula kay “Alyas Totoy” na tumatayong witness sa kaso ng mahigit isandaang “missing sabungeros”.


“Mayroong isang babaeng celebrity, ‘di ko na muna papangalanan at alam nila ‘yan. Kasama siya sa alpha member. Ibig sabihin, kasama siya sa grupo,” lahad ni “Alyas Totoy”.


Ayon pa sa ulat, handa na ang affidavit ni “Alyas Totoy” ngunit ibibigay lamang niya ito kapag kumpleto na ang hawak niyang ebidensiya at kapag kasama na niya ang mga magpapatotoo sa kanyang pahayag.


Ayon pa sa witness na siyang katiwala ng itinuturo niyang mastermind ay nasa inner circle lamang ang female personality na kanyang tinutukoy.


Bukod dito, wala naman nang inilabas pang detalye ang witness tungkol sa babae bukod sa kasama ito sa mga taong dapat daw na makasuhan tungkol sa pagkawala ng mga sabungero.


Isa raw kasi ang female personality kasama ang mahigit tatlumpung pulis at sibilyan na may kinalaman sa insidente.


“Isa siya [sa mga kasama] kapag nagmi-meeting-meeting. Nandoon siya.

“Isa rin siyang [female personality] susi kung sakali. Siya ang mas marami ring alam,” sabi pa ni Alyas Totoy.


Bukod dito, nagsimula na rin daw ang imbestigasyon ng National Police Commission o NAPOLCOM dahil sa mga isiniwalat ni Alyas Totoy na may mga pulis na sangkot sa missing sabungeros.


Ang tanong, kumusta na kaya ngayon ang sikat na aktres na idinadawit sa isyung ito?

Kung alam kaya niya sa sarili niya na siya ang tinutukoy, nakagawa na kaya siya ng plano kung paano iha-handle ang issue?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page