Pinagkaguluhan sa resto… VINCENT, LUMALAYO ‘PAG MAY FANS NA NAGPAPA-PICTURE KAY BEA
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 11, 2025
Image: Bea at Vic - Circulated - FB
Hindi lang sa Super Divas (SD) concert spotted si Bea Alonzo at ang boyfriend niyang si Vincent Co, spotted din sila sa Araneta City dahil naglakad ang dalawa at pumasok sa isang restaurant sa Gateway Mall 2.
Ang daming nagpakuha ng picture kay Bea at lahat sila ay pinagbigyan ng aktres.
Kapansin-pansin na lumalayo si Vincent kapag may lumalapit na mga fans kay Bea. Hindi dahil sa takot siyang makunan sila ng larawan, gusto lang nito na bigyan ng freedom ang aktres to interact with the fans.
Ikinatuwa ito ng mga fans ng aktres, hindi raw epal ang boyfriend nito.
Hindi pa yata kilala ni Vice Ganda si Vincent dahil si Bea lang ang in-acknowledge niya sa concert nila ni Regine. Katabi ni Bea si Vincent, pero hindi siya binanggit ni Vice. Kung kilala ni Vice ang boyfriend ni Bea, siguradong may comment siya o joke sa dalawa.
Anyway, sa video na napanood namin, sa backstage dumaan papasok sa Big Dome sina Bea at Vincent. Hindi pa puno that time kaya hindi sila masyadong napansin. Ang nakapansin lang sa kanila ay ang mga katabi nila in front, sa P15,000 worth ang ticket.
Sa likod ng Smart Araneta Coliseum din dumaan sina Bea at Vincent after the concert. Sa back parking naka-park ang sinakyan nilang SUV at may security pang umalalay sa kanila.
Present din pala si Vincent Co sa 2025 GMA Gala, pero sa Marriott Hotel lang yata siya nag-stay at hindi sumama sa event. Hinintay na lang nito si Bea hanggang matapos ang event.
Barbie, may Jameson… DAVID, SPOTTED NA KASAMA ANG GF SA SIARGAO
MGA comments na, “Pakasal na kayo,” “Marry her already,” “Beautiful couple,” at “Put a ring on her finger,” ang ilang comments na mababasa sa post ni Rhian Ramos ng anniversary nila ni Sam Verzosa.
Lahat nag-aabang na sa kasal nina Rhian at Sam, mas magandang abangan na lang natin.
Basta, itinanggi ng aktres na nag-propose na sa kanya si Sam noong nasa UK sila. Nag-attend lang daw sila ng graduation ng isang anak ni Sam at kasama nila ang
mom nito.
Wala siyang kasamang family member, ibig sabihin, walang marriage proposal na naganap.
And speaking of Rhian, magre-renew siya ng kontrata sa GMA Network bukas. Ibig sabihin, tuluy-tuloy pa rin ang showbiz career niya.
Sa ngayon, napapanood siya sa Sang’gre bilang ang kontrabidang si Mitena, pero mahal siya ng Encantadiks.