top of page

Pinagkaguluhan ng mga rich guests, nairita… PIOLO SA MGA TODO-PA-SELFIE: TAPUSIN KO LANG KANTA KO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2025
  • 5 min read

Updated: Jul 25, 2025

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 20, 2025



Photo File: Papa P sa Rotary


Mala-awards night ang ginanap na induction at turn-over ceremony ng Rotary Club of Balibago last Friday night sa Marriott Hotel sa Clark Pampanga para sa bagong set of officers sa pangunguna ng new president nito na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, Beautederm founder and CEO.


Nagdatingan kasi ang mga loyal and ever supportive celebrity ambassadors ni Ma'm Rei sa pangunguna ng mga former beauty queens na sina Ms. Alma Concepcion, mag-asawang Rochelle Barrameda and Jimwell Stevens, Maricel Morales, Thia Thomalla, aktor na si Ejay Falcon, Councilor Ervic Vijandre, Kitkat, writer Darla Sauler, dating That’s Entertainment singer-actor Jojo Abellana kasama ang byuting misis at guwapong anak na si Carl na mag-aartista na rin, Kapuso actors na sina Kimson Tan at Josh Ford, Dental Diva Kakai Bautista at ang super laugh kami sa first time na nag-tandem as hosts na sina DJ Jhai Ho at Pepita Curtis.


Big surprise sa event as special guest ang Ultimate Heartthrob na si Papa Piolo Pascual. 


Nakakagulat ang mainit na reception sa kanya ng mga super rich guests-Rotarians na mula pagpasok pa lang nila ni Ma'm Rei sa Grand Ballroom hanggang sa picture taking at nang kumanta si Piolo sa stage, kilig na kilig at nag-uunahan ang mga girls para makalapit at makapagpa-selfie sa kanya.


Senyales lang ito na sa kabila ng mga bago nang sumisikat na aktor ngayon, iba pa rin talaga ang dating ng isang Piolo Pascual.





Marami pa rin ang humahanga sa kanya kaya maiintindihan mo ang excitement ng mga nagpapa-picture na baka ngayon lang siya nakita ng iba. Kaya kahit super rich ang mga guests na may governor, may-ari ng bangko, politicians at businessman, naglapitan sa stage habang kumakanta si Papa P para makapagpa-selfie sila.


Ang siste, nadi-distract yata si Papa P at hindi makakanta nang maayos kaya nakapag-dialogue ng “Kakanta pa ba ako o magpipiktyuran na lang tayo?


Kaso nga, ‘di pa rin maawat ang iba – na gets naman namin dahil minsan nga lang naman nila makikita nang up close and personal ang isang Piolo Pascual – kaya feeling namin, medyo nairita si Papa P kaya napasabi na lang ng “Tapusin ko lang kanta ko.”

Kaya lang, mukhang may lakad pa siya that night kaya nagmamadali at umalis na rin agad after his performance.


Sayang at medyo nabitin siguro ang ilang guests but at least, tiyak na napasaya sila ng bago nilang president sa Rotary Club of Balibago na si Ma'm Rei Tan.


At bilang new president, tatlong projects ang gustong tutukan at gawin ni Ma'm Rei.

Una, dahil skincare business ang Beautederm, pipili sila ng 20 beneficiaries na kabataan para pagandahin ang skin at nang maiwasang ma-bully dahil sa kanilang imperfections.

Pangalawa, 10 additional college scholars from Pampanga ang tutulungang makapag-aral nang libre sa loob ng 4 yrs..


At pangatlo, P5 daw mula sa mga mabebentang products ng Beautederm ay mapupunta sa mga polio victims.

Bongga, devah?


Kaya no wonder na sobrang blessed talaga ang Beautederm Corp. CEO.

Kasama rin pala ni Ma'm Rei that night para sumuporta sa kanya ang dearest mom niyang si Mama Pacita at mga anak na sina Adam at Audrey.


At siyempre, nandu'n ang kanyang mababait at masisipag na staff-angels.

Congrats, Ms. Rhea Anicoche-Tan and may the Lord continue to bless you!!!



MAGKAKAALAMAN na kung sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling at karapat-dapat na magwagi sa 8th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).


Inaabangan na ang idaraos na ika-8 edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice na magaganap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.


Magiging bahagi ng 8th EDDYS ang tinaguriang Prince of Pop na si Erik Santos para sa isang natatanging performance. 


May espesyal na partisipasyon din sa Gabi ng Parangal ang Pop Diva na si Kuh Ledesma at ang OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra, kasama sina Jackie Lou Blanco, Arman Ferrer at Carla Guevarra. Abangan din ang inihandang sorpresa ng young singer na si David Young.


Sanib-pwersa naman ang mga Kapamilya at Kapuso stars na sina Kyline Alcantara, Darren, Alexa Ilacad at Kaila Estrada sa pagho-host ng 8th Entertainment Editors’ Choice.


Samantala, inaasahang mas magiging matindi naman ang labanan sa ikawalong edisyon ng The EDDYS. 


Magbabakbakan ang anim na de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.


Para sa Best Picture, maglalaban-laban ang “Green Bones”, “Hello, Love, Again”, “Isang Himala”, “Love Child”, “Outside” at “Under a Piaya Moon”.

Sa Best Actress category, nominado sina Jane Oineza (Love Child), Judy Ann Santos (Espantaho), Marian Rivera (Balota), Mylene Dizon (The Hearing),  Sharmaine Centenera-Buencamino (Pushcart Tales) at Sue Prado (Your Mother’s Son).


Para sa Best Actor, maglalaban sina Alden Richards (Hello, Love, Again), Arjo Atayde (Topakk), Dennis Trillo (Green Bones), Joel Torre (Lolo and the Kid), Kokoy de Santos (Your Mother’s Son), Sid Lucero (Outside) at Vice Ganda (And the Breadwinner Is…).


Sa kategoryang Best Supporting Actress pagalingan diyan sina Chanda Romero, (Espantaho), Cristine Reyes (The Kingdom), Elora Españo (Your Mother’s Son), Kakki Teodoro (Isang Himala), Lorna Tolentino (Espantaho), at Nadine Lustre (Uninvited).


Para sa Best Supporting Actor bakbakan sina Aga Muhlach (Uninvited), Joross Gamboa (Hello, Love, Again), Miggy Jimenez (Your Mother’s Son), Patrick Garcia (A Journey), Ronnie Lazaro (The Gospel of the Beast) at Ruru Madrid (Green Bones).

Nominado naman sa Best Director category sina Carlo Ledesma (Outside), Cathy Garcia Sampana (Hello, Love, Again), Jonathan Jurilla (Love Child), Kurt Soberano (Under a Piaya Moon), Pepe Diokno (Isang Himala), Zig Dulay (Green Bones).

Pararangalan din sa 8th EDDYS ang Producer of the Year at Rising Producer of the Year.


Muli ring bibigyang-pugay ang mga tumaya para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon ng The EDDYS Box Office Heroes.  


Magkakaroon ng delayed telecast ang 8th EDDYS sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.

Co-presenter ng ika-8 edisyon ng The  EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment at ididirek muli ni Eric Quizon.


Major presenter naman ang Playtime PH sa pakikipagtulungan GLOBE at UNILAB. 

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.


Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis.


Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors' Choice).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page