top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Social media fame, hindi lisensiya para lumabag sa batas

Writer: BULGAR
BULGAR
13 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | November 22, 2026



Editoryal, Editorial


Nakaaalarma ang pagiging pasaway ng ilang content creator na ginagawang katatawanan o pagkakakitaan ang paglabag sa batas-trapiko.


Mula sa pagmomotorsiklo nang walang helmet, delikadong pagmamaneho hanggang sa paggawa ng iba't ibang pakulo sa kalsada, tila mas mahalaga pa sa kanila ang makakuha ng maraming views at likes kaysa sa kaligtasan ng publiko.


Hindi dapat gawing dahilan ang paggawa ng content upang balewalain ang batas. Higit sa lahat, hindi dapat isugal ang buhay ng ibang motorista at pedestrian para lamang sumikat sa social media.


Dapat maging mahigpit ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapanagot sa mga ganitong indibidwal. Hindi porke maraming followers ay maaari nang umasta na parang hindi saklaw ng batas.


May pananagutan din ang mga content creator sa kanilang mga tagasubaybay, lalo na sa mga kabataang maaaring gumaya sa kanilang ginagawa.


Kung gustong sumikat, gumawa ng makabuluhang content. Hindi kailangang maging pasaway, lumabag sa batas at ilagay sa panganib ang kapwa para lamang maging viral.

Ang kalsada ay hindi playground o lugar para sa pagpapasikat. Ang batas-trapiko ay para sa lahat, sikat man o hindi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page