Pinagbawalan na raw ni Atong Ang… SUNSHINE, OUT SA SHOWBIZ, 10 SHOWS ANG TINANGGIHAN
- BULGAR

- Jul 4, 2025
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 4, 20255
Photo File: Sunshine Cruz - IG
Magpapahinga muna sa showbiz si Sunshine Cruz at aasikasuhin ang tatlo niyang anak na dalaga na rin ngayon.
Bibigyan din niya ng panahon na tutukan ang kanyang kalusugan at pagme-maintain ng kanyang sexy figure.
Sampung projects ang tinanggihan ni Sunshine dahil pahinga muna ang kanyang acting career.
Sey naman ng mga netizens, tiyak na pinagbawalan na ni Atong Ang si Sunshine Cruz na mag-artista mula nang sila ay maging magkarelasyon. Tutal, kaya namang ibigay ng multi-millionaire businessman ang kikitain niya sa pag-aartista, kaya domesticated na si Sunshine ngayon.
Samantala, ayon kay Sunshine ay fake news ang nababalitang hiwalay na sila ni Atong. Okey na okey daw sila at hindi totoo ang kumakalat na tsismis.
Itinanggi rin ni Sunshine ang mapanirang tsismis na buntis ang isa sa kanyang mga anak na dalaga. Huwag daw basta maniwala sa ganitong balita.
MARAMI ang natuwa kay Ivana Alawi nang ipag-shopping niya ang anak ni Katrina Halili na si Katie.
May mild autism ang anak ni Katrina, pero matalino at malambing.
Hanga si Ivana sa ginagawang pag-aalaga ni Katrina sa kanyang anak. Proud siya kay Katie at hindi ikinahihiya ni Katrina kapag kasama niya sa pamamasyal sa mall.
Naging magaan ang loob ni Ivana kay Katie, kaya niyaya niya itong mag-shopping. Bukod sa mga toys, nagpabili rin si Katie kay Ivana ng iPhone 15.
Umabot ng P64,000 ang nagastos ni Ivana sa mga pinamili ng anak ni Katrina.
Sobrang tuwang-tuwa at nagpasalamat si Katie sa mga regalong kanyang natanggap mula sa kanyang Tita Ivana. Napapa-“sana all” naman ang mga batang gusto rin ng mga laruan at iPhone.
MARAMING viewers ang naiintriga nang mag-guest si Barbie Forteza sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). May ilan kasing katanungan si Boy na hindi direktang masagot ni Barbie, tulad ng kung may nanliligaw ba sa kanya ngayon. Isang mahiwagang ngiti lang ang naging kasagutan o reaction dito ni Barbie. Kaya iniisip ng mga viewers na meron nga siyang suitors ngayon.
Bakit daw kailangan na ilihim o itago pa ni Barbie kung may mga manliligaw siya ngayon? Single naman siya after ng breakup nila ni Jak Roberto.
Baka naman pinoprotektahan lang ni Barbie ang love team nila ni David Licauco? Baka mag-react kasi ang mga fans.
Anyway, deserve naman ni Barbie na magkaroon ng love life at inspirasyon. Marami rin ang nagsasabing blooming ang aktres ngayon kaya tiyak na in love at may nagpapasaya sa kanya.
Maraming netizens naman ang boto sa tandem nila ni David. Sana raw, si David na ang secret admirer ni Barbie na ayaw pa niyang aminin sa publiko.
MARAMI ang nagtatanong kung bakit biglang nanahimik ang mundo ni Andrea Brillantes ngayon. Dati-rati ay marami siyang ganap at pasabog. Hindi siya nauubusan ng issue, lagi siyang talk of the town. Kaya nagtaka ang lahat sa pananahimik ni Andrea.
Wala ba siyang love life ngayon? Dati-rati ay aktibo siya sa pagpo-post sa social media.
Ano nga kaya ang dahilan at nawala sa eksena si Andrea? Nag-mature na ba siya o napagod na sa mga issues sa kanyang buhay noon?
Well, magaling namang umarte si Andrea at sisikat pa siya nang husto ‘pag nag-level-up ang kanyang pagiging aktres. Makakatagpo rin siya ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya nang totoo. Darating sa tamang panahon ang kanyang "the one.”










Comments