top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Pinadalhan ng flowers nu'ng Mother's Day… “MY SON ALDEN. STILL THE SWEETEST” — SHARON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 11, 2026



BIDA - “MY SON ALDEN. STILL THE SWEETEST” - SHARON-IG _reallysharoncuneta

Photo: IG _reallysharoncuneta



May Mother's Day greetings si KC Concepcion sa mom niyang si Sharon Cuneta at sabi nito, “A mother’s love really shapes our lives. Happy Mother’s Day to mine. Love you, my Mama.” 


Sagot ni Sharon, “I love you, Kooks! Thank you so much for this. Awwww!”

Sinabayan ni KC ang Mother’s Day greetings niya ng pagpo-post ng mga reels ng old videos nilang mag-ina noong bata pa siya. Marami ang natuwa at sumaya sa interaction ng mag-ina at may napa-comment ng “Sana ganyan na lang kayong dalawa.”


‘Kaaliw din ang Mother’s Day greetings ni Frankie Pangilinan sa mom niya. 

“Happy Mother’s Day to the confirmed mother of Frankie Pangilinan.” 


Sagot ni Sharon, “Hahahaha! Thank you again my Baba for getting up early to make my special breakfast today. I love you so much, girl with the alleged boyfriend.”

Tila may special joke ang mag-ina tungkol sa rumored boyfriend ni Frankie at kung babasahin, ibig bang sabihin, hindi BF ni Frankie si Daniel Laurel?


Anyway, kahit nasa Siargao, nagpadala ng flowers si Alden Richards for Mother’s Day. 


“Happy Mother’s Day, Mama,” ang nakasulat sa card sa padalang bouquet of flowers ni Alden.


Ipinost ni Sharon ang bouquet of flowers na padala ni Alden at sabi, “My son Alden. Still the sweetest! Thank you so much for remembering Mama, anak. I love and miss you!”


Ang biro ng mga fans, ampon ni Sharon Cuneta si Alden Richards na naging close sa kanya nang gumawa sila ng pelikula. Mag-ina ang role nila sa movie at hanggang ngayon, mag-ina pa rin ang kanilang turingan.





Pinagdedebatehan ng mga netizens ang na-post na larawan ng pamilya ni Bea Alonzo na nasa airport sila. Masaya na sana ang mga fans ng aktres dahil ibig sabihin daw ng photo, palipad sila pa-Spain at tuloy ang kasal nina Bea at Vincent Co.


Kaya lang, may nagsabi namang old photo ang lumabas dahil makikitang nakaupo pa sa parang wheelchair ang mom ni Bea. 


Nakakalakad na raw ngayon ang mother ng aktres, kaya malamang ay old photo nga.

May kumontra naman, bagong larawan daw ito dahil malaki na ang bunsong pamangkin ni Bea.


Mas marami ang naniwalang bago ang larawan ng pamilya ni Bea lalo na sa caption ng nag-post na: “Bea’s family in Spain.” 


Ibig sabihin daw nito, tuloy ang kasal nina Bea at Vincent Co sa Spain na ikinatuwa ng mga fans ng aktres.


Hiniram namin ang photo ng family ni Bea at kumpleto sila, pati ang dalawang pamangkin ng aktres. 


May nag-suggest naman sa aktres na mag-post siya ng wedding photos nila ni Vincent para matigil na ang sari-saring espekulasyon na hindi matutuloy ang kasal nila.


Kaya lang, sa May 14 pa raw ang kasal, wala pang mai-post na wedding photos si Bea.

Unless wedding photos sa sinasabing kasal nila sa Pilipinas ang gustong tukuyin ng netizen na nangyari a few weeks ago raw.


Kaya kahit may mga isyu, tuloy ang pagbati kina Bea Alonzo at Vincent Co ng “Best Wishes” at “Congratulations!”


Malalaman din ang totoo sa mga naglabasang balita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page