top of page

Pinadalhan ng flowers, COD pala… MIKA, NA-SCAM NU'NG V-DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

Updated: 8 hours ago

ni Lucille Galon @Special Article | February 16, 2026



SPECIAL - MIKA, NA-SCAM NU_NG V-DAY_IG _mikslmnc

Photo: IG _mikslmnc



Na-scam, but in a funny way, nitong Valentine’s Day ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) Big Winner na si Mika Salamanca matapos siyang makatanggap ng mga flowers na siya rin pala ang magbabayad.


Well, for sure ay may pambayad naman ang aktres-singer pero super-naloka talaga siya.

Noong February 14, may nagpadala sa condo ng aktres ng isang balot ng petals at isang bouquet. 


Tsika niya sa kanyang Instagram (IG) post, “Ang funny kasi may nagpadala sa condo ko ng mga petals ng flowers. Tapos may nagpadala rin ng isang bouquet na flower tapos cash-on-delivery, be!”


Dagdag pa niya, “So, ano ‘to? Ako magsu-surprise… cash-on-delivery… bayad ko ‘yung flowers. Ako pa magsu-surprise sa sarili ko?”


At dahil curious nga ang mga netizens kung sino ang may pakana nito, sa sumunod niyang IG Story ay ibinuking ni Mika na ang kaibigang content creator na si Von Razo pala ang nasa likod ng bonggang Valentine surprise.


Inakala ng mga fans noong una na baka galing ito kay Will Ashley o kaya ay kay Brent Manalo pero walang nagwagi.

Sey nga sa kanta ni Miley Cyrus, “I can buy myself flowers…” Hahaha!   





‘Yun daw ang nasa Bible…

ALVIN, AMINADONG ‘DI TANGGAP ANG BADING NA ANAK NI IZZY



BINATIKOS talaga nang malala ang mister ng Sexbomb member na si Izzy Trazona na si Alvin Aragon dahil sa hindi nila pagtanggap sa anak na si Sofia Trazona na isang transgender. 


Kaya sa isang DZAR radio interview ay sinagot ito ni Alvin, pati na ang hindi niya pagpayag sa pagsasayaw ni Izzy sa concert ng Sexbomb.


“Ang daming bash ni Izzy. Du’n pa lang sa anak n’ya na pinili ang direksiyong maging bading, ang dami nang bash, eh, kasi ‘di raw tinanggap kasi bading… Totoo naman, eh. Ano bang sabi sa Bible? God judged homosexuality. Read Genesis 17, 18, and 19… God will throw you to hell if you continue to do homosexuality and you don’t want to believe in Jesus,” sey niya.


So, pati rin pala si Alvin ay hindi tanggap si Sofia at mukhang siya pa ang pasimuno sa hindi pagtanggap sa anak ni Izzy.


Ayon naman kay Sofia, fully supportive sa kanyang journey bilang transwoman ang kanyang biological father na si Michael Navarro.


Samantala, nilinaw din ni Alvin na wala siyang kinalaman sa pag-alis ng misis sa Sexbomb Girls. Aniya, ang desisyon nito ay bunga ng tawag ng Diyos.





“Sinasabi nila, ‘Kaya pala wala sa Sexbomb si Izzy dahil sa lalaking ‘yan.’ Teka lang, ha! Matagal nang wala si Izzy sa Sexbomb, 2009 pa lang. ‘Di pa nga ako ‘yung asawa, eh… Pinag-resign ng Lord. Sabi ni Lord kay Izzy, ‘Come, follow me. I will make you fishers of men.’ Nag-obey s’ya ru’n,” sabi ni Alvin.

Ito naman ang sey ng mga netizens:


“Alam mo, may logical reason talaga kung bakit ikaw ‘yung pinakaunang natanggal sa 1st Season ng StarStruck.”


“Bakit ganu’n? Bakit parang nakakatakot s’ya?”


“Sobrang maka-Diyos naman na ‘yan. Nakakatakot pala ‘pag sobrang lapit sa Diyos, eh.”


“Too much understanding without love & respect is nothing. Binigyan tayo ng sariling pag-iisip para timbangin ang mga bagay sa buhay natin.”


“Dahil d’yan, puwede ka nang mauna at makasama si Jesus (stars emoji).”

“Eh, di lumabas din ang totoo, LOL (laugh out loud). Agree naman ako na ang husband dapat ang mag-lead sa family pero dapat hinahayaan mo rin ang wife to have autonomy. Let her enjoy what she really loves to do, her first love which is dancing and Sexbomb.”


“‘If someone is gay and seeks the Lord, who am I to judge?’ sabi ni Pope Francis.”

‘Kaloka!  

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page