Pinaaamin din tungkol kay Romualdez… CARLA, NAG-POST NG VIDEO NG MGA LUXURY CARS NG DISCAYA COUPLE, IDINAWIT NA RIN
- BULGAR
- 5m
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | October 19, 2025

Photo: FB Carla Angeline Reyes Abellana
More than 200 comments na ang video post ni Carla Abellana tungkol sa luxury cars ng mga Discaya, at sa comments, ramdam ang kanilang galit.
Maraming tanong ang mga netizens na sana, masagot ng mga nag-iimbestiga sa flood control corruption.
Sabi ni Carla, “Just found this in my camera roll. Hindi ko pa pala nade-delete. This is it! This is the video I was talking about that I took at taping 2 years ago! Back then I didn’t know who the Discayas were or who the building even belonged to. But upon seeing the garage (where we couldn’t even park due to the lack of space) I knew right away that there was something fishy about their ‘business.’”
Ang daming luxury cars na nahagip ng camera ni Carla at in one point, napa-comment ito ng “Oh, Bentley, Jesus Christ!”
Binanggit din ni Carla ang ibang brand ng luxury cars na talaga namang mamamangha ka.
May isang nag-comment na sinagot ni Carla. Galit ang netizen sa comment niyang “Hoy, Carla, ‘di ba, dikit ka kay Romualdez?”
Sagot ni Carla, “Hoy! Paano pong ako ay dikit kay Romualdez?”
Sagot uli ng netizen, “Hoy, Carla! Tinatanong nga kita kung dikit ka kay Romualdez. Sini-single out mo kasi ang mga Discaya sa corruption. Walang access sa funds ‘yang mga ‘yan kung walang corrupt na pulitikong mastermind.
“Sino nga po pala ang Speaker na may pinaka-corrupt na budget sa kasaysayan ng Pilipinas? Never heard you guys calling those politicians for their corruptions.”
Sa mga nagtanong kung bakit siya napunta sa building ng mga Discaya, sagot ni Carla, nag-taping sila ng Stolen Life (SL) serye ng GMA-7, kaya niya nakita ang mga sasakyan ng mga Discaya.
Sa nag-comment uli na fan daw si Carla ng mga Discaya, sinagot niya ito ng, “Paano po ako naging fan nila? Hindi ko po sila kilala.”
Hirit uli ng netizen, bakit daw hindi inalam ni Carla Abellana kung sino ang may-ari ng mga luxury cars?
Sinabihan pa ang aktres na kung nakilala niya nang mas maaga ang mga Discaya, baka dinepensahan niya.
Inakusahan pa ang aktres na baka kilala niya talaga ang mga Discaya, idine-deny lang niya.
MATANONG nga si Louie Heredia kung totoo ang balitang nakarating sa amin.
Naimbitahan daw ito ng Miss Universe Organization na maging member ng Closed-Door Interview Panel para sa 74th Miss Universe Competition sa November 16, 2025, at sa Preliminary Competition Show sa November 19, 2025.
Siguradong masaya si Louie sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa mga mag-i-interview ng candidates ng Miss Universe ngayong taon na gagawin sa Bangkok, Thailand. Exciting ito dahil sa dami ng candidates, 3 minutes lang ang ibibigay sa bawat panel member para mag-interview.
Ipapakumpirma rin namin kay Louie ang tsika na bukod sa pagiging panel member na mag-i-interview ng candidates, judge rin daw siya sa Preliminary Competition at sa National Costume Competition.
Magiging busy ang schedule nito on the said dates, but for sure, mag-e-enjoy siya lalo na’t sa isa sa favorite countries niya sa Asia gaganapin ang Miss Universe this year.
Sa last year’s Miss Universe, may photo si Louie Heredia with Miss Universe 2024 Victoria Kjær Theilvig ng Denmark. Hintayin natin, dahil paniguradong may photo rin siya sa mananalong Miss Universe 2025.
Comments