ni Chit Luna @Brand Zone | February 8, 2024
PANAMA CITY — Itinulak ng Pilipinas at New Zealand ang konsepto ng tobacco harm reduction (THR) sa isinasagawang Conference of the Parties (COP) ng Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) ng World Health Organization bilang tugon sa problema sa paninigarilyo.
Ang mga delegado mula sa 183 na bansa ay nagtitipon sa Panama para sa 10th Conference of the Parties (COP 10) para isulong ang pagkontrol sa tabako at iwasan ang pagkamatay ng 8.7 milyong tao sa buong mundo bawat taon dahil sa paninigariloyo.
Sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, ang pinuno ng delegasyon ng Pilipinas sa 10th COP, na ang bansa ay nagtala ng pagbaba sa paninigarilyuo mula 23.8 porsiyento noong 2015 hanggang 19.5 porsyento noong 2021 bilang pagpapatupad nito ng FCTC treaty.
“This key achievement is the result of a collective and balanced approach, with whole-of-society and whole-of-government efforts, in advocating for and implementing effective policies and legislative measures,” sabi ni Guevara.
Sinabi ni Guevara na noong 2022, pinagtibay ng Pilipinas ang Republic Act No. 11900, o ang "Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act" para i-regulate ang vaporized nicotine at non-nicotine products (VNNPs) at novel tobacco products (NTPs).
Binigyang-diin ni Guevara ang kahalagahan ng angkop at multi-sectoral na diskarte sa pagpapatupad ng FCTC, pagkilala sa Artikulo 1(d) ng FCTC, iba't ibang pambansang konteksto at priyoridad at lokal na batas.
Ang Pilipinas, aniya, ay patuloy na makikibahagi sa konstruktibong pag-uusap at pakikipagtulungan sa mga kapwa partido sa COP 10 para malampasan ang iba't ibang hamon.
Samantala, ang pinuno ng delegasyon ng New Zealand ay nagpahayag din ng malakas na suporta para sa harm reduction at binanggit ang malaking pagbaba sa antas ng paninigarilyo sa 6.8 porsiyento mula sa 8.6 porsiyento noong nakaraang taon at 16.4 porsiyento noong 2011-2012, sa tulong ng harm reduction na nakabatay sa ebidensya.
Sinabi niya na ito ay bahagi ng layunin ng New Zealand na makamit ang smoke-free status kung saan mas mababa sa 5 porsyento ng populasyon ang naninigarilyo.
Nakamit ito ng New Zealand sa pamamagitan ng mga hakbang na inendorso ng FCTC kabilang ang regulasyon, mga inisyatiba na nakabatay sa komunidad at naka-target na suporta sa pagtigil sa paninigarilyo, dagdag niya.
Kabilang din dito ang pagpapatupad ng mga hakbang sa harm reduction, ayon sa pinuno ng delegasyon ng New Zealand.
Inilarawan ni Guevara ang RA 11900 sa Pilipinas bilang isang "landmark na batas" na naglalayong bawasan ang pinsalang dulot ng paninigarilyo, at nagtatatag ng komprehensibo at naiibang balangkas ng regulasyon para sa pag-aangkat, paggawa, pagbebenta, pag-iimpake, pamamahagi, paggamit at komunikasyon ng vaporized nicotine at mga produktong hindi nikotina, kasama ang iba pang mga nobelang produktong tabako.
Pinoprotektahan din ng batas na ito ang mga menor de edad sa pamamagitan ng paghihigpit sa pagbebenta, kabilang ang online na kalakalan, pamamahagi at marketing ng mga VNNPs o NTPs, at pagbabawal ng mga aktibidad na nauugnay sa produktong tabako sa loob ng 100 metro ng mga paaralan, palaruan, at pasilidad na madalas puntahan ng mga menor de edad, aniya.
Ang Pilipinas ay nagsabataas din ng mga legislative measures tulad ng Tobacco Regulation Act of 2003, Graphic Health Warning Law at Excise Tax Laws sa mga novel tobacco products.
Sinabi ni Guevara na ang excise tax sa tabako at vape products ay umabot ng halos $3 bilyon noong 2022, at ito ay tumulong sa pagpopondo ng mahahalagang serbisyo ng gobyerno kabilang ang mga programa sa pangkalusugan at recovery mula sa COVID-19, mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng farm-to-market roads, paaralan, ospital at pasilidad ng kalusugan.
Sinabi niya na bilang pagsunod sa FCTC Article 6 mula 2012, ang Pilipinas ay patuloy na nagtaas ng excise tax rates sa mga sigarilyo at produktong tabako, na ginagawang mas mahal ang mga ito, at dahil dito ay bumababa ang pagkonsumo.
Ang Pilipinas ay nasa proseso din ng pagpapatibay ng bagong batas na "Anti-Agricultural Economic Sabotage Act" na nagdedeklara ng pagpupuslit ng tabako bilang economic sabotage at naglalayong bawasan ang ipinagbabawal na kalakalan ng tabako sa Pilipinas.
Samantala, sinabi ng pinuno ng delegasyon ng New Zealand na kasama sa diskarte nito ang paggawa ng isang hanay ng mga produktong pamalit sa nikotina na magagamit ng mga taong naninigarilyo, kabilang ang mga therapeutic na produkto tulad ng mga patch, gum at mga gamot na makakapagpahinto sa paninigarilyo.
Nagpasa din ang New Zealand ng mga batas para i-regulate ng vaping products. Kasama dito ang paghihigpit sa kung saan sila maaaring ibenta at kung sino ang maaaring magbenta ng mga ito.
Sinabi niya na sa kabila ng mababang antas ng paninigarilyo para sa lahat ng grupo ng mga taga-New Zealand, ang antas ng pang-araw-araw na paninigarilyo para sa mga Maori, mga mahihirap, m5ga nasa hustong gulang na may mga kapansanan at mga taong nakakaranas ng pagkabalisa sa isip at mga isyu sa adiksyon ay mas mataas kaysa sa iba.
Bilang karagdagan sa umiiral na mga diskarte sa pagkontrol sa tabako na nakabatay sa ebidensya, nakatuon din ang New Zealand sa pagbibigay sa mga tao ng mga praktikal na tool at suporta para matulungan silang lumayo sa pagninigarilyo, aniya.
Comments