top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Piliing maging mas safe kahit boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face mask

  • BULGAR
  • Oct 26, 2022
  • 1 min read

@Editorial | October 26, 2022


Habang isinusulat ito, inaasahan ang paglalabas ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., ng executive order na naglalayong gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa indoor areas.


Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Tourism Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco, na kasama ang usaping ito sa tinalakay sa cabinet meeting kasama si P-BBM.


Una nang naglabas ng EO ang Pangulo na optional na lang ang pagsusuot ng face sa outdoor.


Gayunman, required pa rin ang pagsusuot ng face mask sa public transportation, medical transportation at medical facilities.


Hinihikayat naman na magsuot pa rin ng face mask ang mga hindi bakunado, may comorbidities at senior citizens.


Batid naman natin na matagal na tayong nasa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19. Marami nang nawala at natigil sa ating pamumuhay. Kaya kailangan nang umusad at matutunan na sumabay at lumaban sa sitwasyon.


Gayunman, sa kabila ng mga pagluluwag, umaasa tayo na hindi naman malalagay sa alanganin ang lahat.


Mas kailangan pa ring mag-ingat, maging responsable at disiplinado.


Hindi porke pinayagan nang hindi mag-face mask, eh, aabusuhin na ito. Nasa atin pa rin ang pasya kung paano magiging mas ligtas. Alalahanin din natin ang kalagayan ng iba, lalo na ng ating pamilya na posibleng mas mahina ang kalusugan at mas lantad sa panganib.


Kaya palagi pa ring mas piliin kung ano ang mas makabubuting gawin. Kung hindi naman kalabisan ang pagsusuot ng face mask, tuloy lang dahil napatunayan na ang dagdag-proteksyon na magagawa nito sa atin laban sa virus at iba pang sakit.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page