Pilar, Abra niyanig ng 5.2 magnitude na lindol — PHIVOLCS
- BULGAR
- Aug 28, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 28, 2022

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Pilar, Abra ngayong Linggo ng madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ang lindol na tectonic ang pinagmulan ay naitala ng alas-2:27 ng madaling-araw. Nai-record ito sa layong 17.36°N, 120.49°E - 012 km S 61° W ng Pilar, Abra. Habang may lalim na 004 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, ang nasabing 5.2 magnitude na lindol ay aftershock ng magnitude 7 na pagyanig na tumama sa Northern Luzon noong Hulyo 27, partikular sa Tayum, Abra.
Naramdaman ang Intensity V sa Pilar, Bangued, at Bucay sa Abra, habang Intensity IV naman sa Banayoyo, Ilocos Sur; at San Fernando, La Union.
Base sa PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale, “strong” shaking o pag-alog at rocking o pag-uga ang maaaring maramdaman sa loob ng isang gusali sa ilalim ng Intensity V.
Posible ring maramdaman sa kabuuan ito ng mga nasa indoors at outdoors ng karamihan sa mga indibidwal.
Ang Intensity IV ay may “moderately strong” shaking na mararamdaman ng mga indibidwal sa loob at ilang mga nasa labas, habang ang vibration nito ayon sa ahensiya, “felt like a passing of heavy truck.”
Sinabi pa ng PHIVOLCS, asahan na ang pinsala at mga aftershocks matapos ang lindol.








Comments