top of page
Search
  • BULGAR

Pila para sa 24/7 RFID sticker, usad-pagong

ni Lolet Abania | November 27, 2020




Umabot ang bumper-to-bumper na mga sasakyan magmula sa itaas sa tollgate ng NAIAX hanggang sa gasolinahan bago makaakyat ng Skyway. Ilang gabi na itong nararanasan ng mga motorista dahil kakaunti ang mga tollgate na maaaring magkabit ng RFID sticker.


Usad-pagong din ang mga sasakyan dahil sa 10-20 kada minuto matapos ang susunod na andar nito bago makarating sa tollgate. Gayunman, nabawasan na ang pila ng mga sasakyan ngayong araw para sa pagkuha ng RFID sticker, hindi tulad kahapon na umabot ito sa Magallanes nang halos alas-3 ng madaling-araw.


Matatandaang sinabi ng (DOTr) na hanggang January 11 na lang ang huling pagpapakabit ng mga motorista ng RFID sticker. Subali’t kahit matapos ang deadline ng paglalagay nito, walang huhulihing motorista sakaling walang RFID sticker dahil hindi lahat ng lanes sa tollgate ay iko-convert bilang stickering lane, ayon sa DOTr.


Sa December 1 o susunod na linggo, uumpisahan nang maging cashless ang pagbabayad sa lahat ng tollgate sa Metro Manila kaya inaasahan na ang mahahaba pang pila ng sasakyan sa mga 24/7 installation sites ng RFID. Ayon naman sa mga concessionaire ng expressways, maaari pa ring magpakabit ng RFID sticker ngayong December.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page