top of page
Teddy Corpuz - IG.jpg

Piktyur nila, ipinost sa socmed… ELLEN, INILABAS NA ANG BAGONG DYOWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 29, 2026



Ellen Adarna at Vanesse Wu - Circulated

Photo: Ellen Adarna at Vanesse Wu - Circulated



Ibinulgar na ni Ellen Adarna ang bago niyang dyowa. Kilig much si Ellen sa pag-reveal ng kanyang ‘lover’ sa Instagram (IG). At ‘yan ay walang iba kundi ang F4 member mula sa sikat na Asianovela na Meteor Garden (MG), na si Vanness Wu.


Ipinost ni Ellen ang kanyang picture kasama si Vanness sa backstage ng F Forever 1st World Tour.


Caption ni Ellen (as is), “Jowa Reveal.”


Inggit much naman ang mga IG followers at celebrity friends ni Ellen sa picture niya with Vanness. Kabilang dito sina Arci Muñoz, Melai Cantiveros, na nanood din ng concert, at Rovilson Fernandez.


Ani Melai, “Happy for you!!! Pero parang may mali?! Si Jerry, ‘di ba?! Hahaha.”

Reply ni Ellen, “Both!”


Sey ni Melai, “Wow! Sana all.”

“Instagram official na! #HardLaunch.”


As far as we know, si Ellen lang na celebrity ang nakapanood ng concert ng F4 na malapit sa stage. Kaya hindi lang kay Vanness siya nagkaroon ng special moment kundi pati kay Jerry Yan.


Proud na itinampok ni Ellen sa IG ang 10-second eye-to-eye moment nila ni Jerry, with holding hands pa.


Marami pang videos during the concert ang ipinost ni Ellen sa kanyang IG Story. Nandoon na naki-sing along siya sa kanyang mga faves at inaming iyon ang first Taiwanese concert na kanyang napanood.


Sabi pa ni Ellen sa isang video, “Our younger selves are screaming with happiness today.”

Kabog!



IBA ang feeling ng mga netizens sa pagkakaospital ni Heart Evangelista recently. Imbes na magkaroon ng empathy kay Heart, binash pa nila ang misis ni Sen. Chiz Escudero.


Naospital daw si Heart dahil sa sobrang pagod at stress sa pagtatrabaho. Kahit daw kailangan na niyang magpa-confine ay tumatanggi ang Kapuso star.

Sey ng mga netizens:


“Saan s’ya napagod, aber?! Parang sambayanang Pilipino yata ang pagod na sa kaartehan n’ya.”


“Na-stress sa inggit?”


“Kumain ka kasi. Ang payat mo. Kaya ka nagkakasakit at walang lakas. Kulang ka sa sustansiya. Puro gamot na pampaganda ang iniinom o kinakain mo at mga chemical ‘yun na isinasaksak mo sa katawan mo.”


“Eme lang nila ‘yan. Para gawing narrative na trabaho nang trabaho para ‘di s’ya nakinabang sa ninakaw ng asawa! (laughing emoji).”


“Iba talaga kalaban ang kunsensiya.”

Grabe sila kay Heart, ha?


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SUNDAY,  JUNE 28, 2026  JACKPOT PRIZE*

Ultra Lotto 6/58  : 46-56-08-01-03-05 ₱ 128,000,000.00
Super Lotto 6/49 : 32-01-35-23-14-29 ₱ 46,214,516.39
3D Lotto 2 PM      : 3-26-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 0-1-7-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
7-7-0-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page