Piktyur na nasa airport, kalat na… KATHRYN, LUMIPAD PA-AUSTRALIA KASAMA SI MAYOR MARK
- BULGAR

- Jul 10, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 10, 2025
Image: Circulated / Alleged photo
Mabuti at hindi pa na-announce ang next project ni Kathryn Bernardo, pati kung sino ang leading man niya, dahil hindi natabunan sa balitang lumipad siya pa-Australia kasama si Lucena Mayor Mark Alcala.
May nakakuha ng photos nila sa airport at kahit nakasuot ng face mask, nakilala pa rin sila.
Obvious na hindi iniwasan nina Kathryn at Mark na kunan sila ng larawan, dahil kung umiwas sila, hindi sila makukunan ng picture. Makikita sa photos na parehong black ang kanilang suot.
Kasama nina Kathryn at Mark na lumipad pa-Australia ang stylist ni Kathryn na ang sabi, pinsan ni Mark. Siya kaya ang nagpakilala sa dalawa o puwede ring sa kanya nagpatulong si Mark para makilala si Kathryn.
Pansin namin na walang OA (overacting) na reaction ang mga netizens sa balitang ito. Ibig kayang sabihin, tanggap (lalo na ng fans ni Kathryn) si Mark para sa kanya?
Anyway, malakas nga ang balita na si James Reid ang next leading man ni Kathryn sa bagong series na gagawin niya sa ABS-CBN.
Akala ng mga fans, ia-announce na ang tungkol dito, bagay na hindi pa nangyari. Balita rin na may mga eksena ang series na kukunan sa Paris.
Bongga ang next series ni Kathryn at tama lang na special ang announcement, ‘yung tipong ang project at ang tambalan lang nila ni James ang pag-uusapan, hindi ang love life ng aktres o ni James.
Kailangan sigurong maghintay pa ng ilang araw ang mga fans bago ang announcement.
ANG paniwala ng mga netizens, kinuhang ninong at ninang ni EA Guzman sina Coco Martin at Julia Montes, kaya bumisita siya sa bahay ng dalawa.
Puwede ring si Coco lang ang kinuhang ninong, o baka personal na inimbitahan sina Coco at Julia sa August wedding nila ni Shaira Diaz.
Sa ipinost na photo ni EA na obviously, nasa bahay siya ng mga Martin, sabi nito,
“Dalawang kaibigan ko na kahit kailan, hindi nagbago. Salamat sa pagkakaibigan at oras... Mahal ko kayong dalawa.”
Malapit na ang kasal nina EA at Shaira, malalaman natin kung ano talaga ang partisipasyon nina Coco at Julia sa wedding nila.
Makikita pala sa photo ang bahay ng mga Martin na maraming paintings at maaliwalas ang loob.
‘Kaaliw ang comment ng mga netizens sa pagbisita ni EA kina Coco at Julia, baka raw papasok sa Batang Quiapo (BQ) si EA. Sana raw mag-guest siya sa series ni Coco para mapanood naman siya sa action at hindi puro drama na ginagawa niya sa GMA o kaya’y nagko-comedy sa Bubble Gang (BG).
May nagpaalala lang sa mga gustong pumasok si EA sa BQ na may kontrata siya sa GMA, pero dahil nagko-collab na ang ABS-CBN at GMA, baka posible na raw mag-guest ang aktor sa BQ.
NAKAUSAP namin ang magkapatid na Gerik at Gerald Chua, ang COO at Operations Executive ng Eng Bee Tin, respectively, at in-announce na sa 2nd National Hopia Day, nationwide ang selebrasyon. Pasalamat nila ito sa mga loyal customers ng EBT from Luzon, Visayas and Mindanao.
Buong July ang selebrasyon. Sa July 18-20 ang main event kung saan 20 percent ang discount on selected items.
Hindi mahihirapang maghanap ng branch dahil may 50 branches na ang EBT at 24 flavors naman ang kanilang pagpipilian.
This month din ang official launch ng Hopia Etneb — a P20 (bente) hopia promotional campaign na inspired by Manila City Mayor Isko Moreno. Si Isko ang nag-suggest nito para raw ma-afford at ma-enjoy ng tao ang masarap at quality hopia.
Ibinalik din ang Hopia Hakot Challenge na ang participants ay puwedeng manalo up to P15,000 worth of EBT goodies at a given time.
Masaya ito at pagalingang humakot ng products ng EBT.
Sabi nga ni Gerik, “This isn’t just about hopia. It’s about honouring our roots, celebrating our community and recognizing how food brings us together across generations.”
Don’t miss the biggest hopia celebration of the year—from Manila to Cebu to Davao, a month of flavor, heritage, and joyful unity.










Comments