Piktyur na kandong ang GF, ipinost… NASH, NAGSALITA SA KUMALAT NA BUNTIS SI MIKA

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 11, 2021

Pinabulaanan ni Nash Aguas ang kumakalat na balitang buntis daw ang girlfriend niyang si Mika dela Cruz.
Nag-umpisang maging usap-usapan sa social media ang buntis isyu matapos mag-upload si Nash sa kanyang Instagram account ng picture nila ni Mika kung saan nakakandong sa kanya ang GF habang nakasuot ng maluwag na puting bestida na animo'y bibinyagan.
Nilagyan ito ni Nash ng caption na: “Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz HAHAHAHAHAHHA SORRY NA LABYU, HAHAHA!”
Isang YouTube vlogger ang pumik-ap sa post ni Nash pero hindi yata nito naintindihan ang caption kaya nag-imbento ng balitang excited na raw sina Nash at Mika sa kanilang paparating na anak.
Nang makarating kay Nash, agad itong itinanggi ng aktor. 'fake news' daw and completely not true ang balita.
Ayon sa paliwanag ni Nash, "Itong picture na ito, mukhang nakapambinyag si Mika. So sabi ko sa caption, 'Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz...' kasi mukha siyang bibinyagan. So kaninang umaga ko 'yun ipinost. So, ayon sa YouTube, buntis na si Mika."
"Sinend sa 'kin ng tropa 'yung link. HAHAHA! MAG-INGAT PO KAYO SA FAKE NEWS. Bye socmed na ulit HAHA," Nash posted on Instagram.
Naniniwala naman si Nash na si Mika na ang 'the one' para sa kanya, lalo na't sinabi nitong ang aktres ay dati na niyang "childhood crush."
"One year po [akong nanligaw]. 'Yung iyak ko po noon [noong sinagot ako], parang pang-TV Patrol. Kasi ang istorya noon, noong bata po ako, crush na crush ko siya," ayon kay Nash noong naging gf niya si Mika nu'ng 2018.





Comments