top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Piktyur, 'di sapat na ebidensya vs. Misis at kabit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 3, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 3, 2023


Dear Chief Acosta,


Kasal kami ng asawa ko, pero nalaman kong may kalaguyo siya. Kinunan ko ng litrato ang asawa ko at ang kalaguyo niya nang makita ko silang kumakain sa isang kainan malapit sa isang motel. Sapat ba ang nasabing litrato para suportahan ang kasong pangangalunya na nais kong isampa? –Rodefel


Dear Rodefel,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Article 333, Chapter 1, Title 11 ng Revised Penal Code of the Philippines, kung saan nakasaad ang krimen na pangangalunya (adultery). Ayon sa nasabing batas:


“Art. 333. Who are guilty of adultery. – Adultery is committed by any married woman who shall have sexual intercourse with a man not her husband and by the man who has carnal knowledge of her knowing her to be married, even if the marriage be subsequently declared void.


Adultery shall be punished by prision correccional in its medium and maximum periods.


If the person guilty of adultery committed this offense while being abandoned without justification by the offended spouse, the penalty next lower in degree than that provided in the next preceding paragraph shall be imposed.”


Ayon sa nabanggit na batas, ang pangangalunya o adultery ay ginawa ng sinumang babaeng may asawa na nakipagtalik sa lalaking hindi niya asawa at lalaking nakipagtalik sa nasabing babae na alam niyang may asawa.


Ayon sa iyong salaysay, nakuhanan mo ng litrato ang iyong asawa at ang kalaguyo niya habang kumakain sila sa isang kainan malapit sa isang motel. Samakatuwid, hindi sapat ang nasabing litrato para suportahan ang kasong pangangalunya na nais mong isampa dahil hindi ito nagpapatunay na sila ay nagtalik. Sa katunayan, ang nasabing litrato ay bukas sa maraming interpretasyon at hindi nagpapahiwatig ng patunay na lampas sa makatwirang pagdududa na may naganap na pagtatalik.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page