Piktyur at video, ginamit sa ads… JENNYLYN, IDINAWIT SA ONLINE GAMING, MAGDEDEMANDA
- BULGAR
- 6 days ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 4, 2025
Photo: Jennylyn Mercado - IG
Inalmahan ng kampo ni Jennylyn Mercado ang illegal na paggamit ng larawan at video ng aktres para sa isang online gaming platform.
Yes, si Jennylyn nga ang latest victim ng deepfake video na nambiktima na rin ng maraming celebrities.
Naglabas ng statement ang manager ni Jen na si Becky Aguila para kondenahin ang nasabing gawain at balaan ang publiko.
“Our artist Jennylyn Mercado is not endorsing nor is she affiliated in any way with the online gaming platform ‘PH Sugar.’
“The said group is illegally using Jennylyn’s photo/video in the Facebook ads they are running to lure unknowing users to download or try their platform,” saad ni Tita Becky.
Sinabi rin ng manager na pinag-uusapan na nila ngayon ang gagawing legal na hakbang tungkol dito.
“We are now talking to authorities to discuss our next steps,” aniya.
“We remind the public to be vigilant and verify legitimacy of any online gaming platform,” saad ng manager.
NATUTO na raw ang aktor na si Paul Salas matapos ngang aksidenteng maagaw niya ang upuan ng isang babae sa audience at mahulog ito sa sahig.
Matatandaang nag-viral ang video ng aktor habang nagpe-perform sa isang event kung saan ay kitang-kita na binitbit ni Paul ang isang bakanteng upuan at hindi nakita ang babaeng uupo na sana at bumagsak ito sa sahig.
Mapapanood din sa video na dinala ni Paul ang upuan sa hindi kalayuan at tumayo rito habang umaawit without knowing na may babaeng bumagsak sa sahig.
Kaagad namang nag-sorry si Paul sa babae sa kanyang social media page.
Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay nakapanayam niya si Paul at ayon sa aktor, the following day na nga lang niya nalaman ang nangyari nang may magsabi sa kanya na nagte-trending ang video niya.
“Nu’ng napanood ko, sabi ko, ‘Nangyari ba ‘to nu’ng gabing ‘yun kasi parang wala akong naaalala na nangyari ‘yun,’” sey ni Paul.
Naka-ear monitor pa raw siya nu’n kaya hindi rin niya naririnig ang mga tao. Kung nakita raw niya ay natulungan niya sana ang babae na nalaman niya ang
name na si Katrina.
“Nag-sorry naman ako. Sabi ko, ‘Ma’am, pasensiya na, hindi ko naman napansin. Sana, eh, makabawi ako sa ‘yo soon. Sana makabalik ako sa Brooke’s Point, Palawan,” sey ni Paul.
“Sabi n’ya, okey lang naman daw, nag-enjoy din naman daw sila. At dahil d’yan, may vlog din naman daw siya so maiba-vlog din naman daw n’ya ‘yung video reaction n’ya ru’n,” dagdag niya.
“Nagkausap na rin kami sa video call nu’ng na-24 Oras nga kami, so, nakapag-usap at okey naman,” aniya pa.
At ang lesson na natutunan ni Paul?
“Siguro, magdadala na ‘ko ng sarili kong upuan,” sey niyang natatawa.
Sisiguraduhin din daw niya na bakante talaga ang upuan bago niya kunin o ‘di kaya ay ipapa-check na lang niya muna kung may bakanteng silya.
“Lesson learned na at hindi na mauulit ‘yun. Pasensiya na, guys,” sey pa niya.
Comments