PIA, UMAMING MAGSASAMA NA SANA SILA NI JEREMY, NAUDLOT LANG
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 15, 2021

Aminado si former Miss Universe Pia Wurtzbach na hindi madali ang long-distance relationship or LDR tulad nga ng relasyon nila ng Scottish businessman na si Jeremy Jauncey.
Sa recent episode ng Between Us Queens podcast, ibinahagi ni Pia ang mga struggles and challenges nila ni Jeremy being in a LDR.
Ayon kay Pia, mas doble ang hirap ng sitwasyon nila ngayon dahil bukod nga sa magkaiba sila ng bansa ni Jeremy, pandemic pa at hindi sila puwedeng magkita as they wish.
She revealed na ang balak pala sana nila ni Jeremy before pandemic ay tumira na sa isang bansa nang magkasama.
“Although we’re based in different countries, but before this whole pandemic started, we already have plans of like, being in the same country and like, really making it work.
“Kasi kami ni Jeremy, we became a couple around December of 2019 and this was just before this whole pandemic started. Tapos, ang dami na naming plano,” pagbabahagi ni Pia.
Isa nga raw sa unang plano nila ay i-tour niya si Jeremy sa buong Pilipinas, ipakilala sa kanyang mga friends here at ipakita kung ano ang kanyang work dito.
Pero hindi na raw nangyari ito because of the pandemic. Ang masaklap pa nga, sa halip na every month sana ay magkikita sila, naging 5 months dahil nga pabagu-bago ang restrictions sa bansa.
Dahil dito, aminado si Pia na napakarami niyang natutunan para mag-work ang LDR.
“I learned that communication is so important that you guys have to have open communication and at least be checking up on each other every day.
“Kailangan, may honesty din and openness and may trust. This is so important, guys, especially kung bago pa lang kayo,” ani Pia.





Comments