top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pia, mag-bow daw sa tunay na reyna… HEART, QUEEN OF FASHION NG ‘PINAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2024
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 3, 2024



Showbiz News

Agree ang mga fans ni Heart Evangelista na siya ang napili ng Tatler Phils. para bigyan ng title bilang Country's Queen of Fashion kasabay ng pagiging covergirl ng special anniversary issue ng magazine.


“Dasurv” (read: deserve) daw ni Heart ang pagiging Fashion Queen dahil talaga namang marami na itong napatunayan sa fashion world at kapag cover ng mag, nagso-sold-out.

Nakaka-sad lang na habang iniaangat si Heart ng mga supporters niya, may pa-shade naman kay Pia Wurtzbach na copycat lang daw ng aktres sa pagiging fashionista at may diretsahan pa ngang nag-name drop sa Miss Universe 2015 na dapat daw ay mag-bow kay Heart bilang tunay na reyna.


‘Kalokah ang hanash ng mga fans, laging hanap-intriga at away, awww!!!



TRIGGERED naman ang mga “G na G” (gigil na gigil) sa GF ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose ng guesting ng tinatawag nilang “Goldilocks” (dahil sa hair color nito) sa ASAP last Sunday.


Echoserang frog daw talaga si Chloe dahil may emote pang ayaw mag-showbiz, tapos biglang kumakanta sa ASAP, hehehe!


Nagbunga na raw ang laging pagdikit-dikit ni Chloe kay Carlos sa mga interviews nito dahil kasingsikat na rin siya ngayon ng BF na two-time Olympic gold medalist. 


‘Yun nga lang, sikat siya bilang “Most Hated Celeb” dahil sa pagiging kontrabida raw ni Chloe sa relasyon ng mag-inang Angelica at Carlos Yulo.


Ang nakakalokah, pati ASAP ay nalait ng mga galit kay Chloe. Kung sinu-sinong cheap na lang daw ang igine-guest sa musical variety show ng Kapamilya Channel.

‘Yun lang!



‘KAALIW ang pagpapraktis ni Martin Nievera ng viral dance steps ng Maybe This Time ni Sarah Geronimo at ewan lang kung sasayawin ito ng Concert King sa kanyang upcoming concert na The King 4Ever sa Sept. 27 sa Smart Araneta Coliseum.


Parang mas masarap abangan ang dance version ni Martin ng Maybe This Time kesa kung kakantahin niya ito, hahaha!


Anyway, natanong namin si Martin kung ano'ng masasabi niya na halos magkapresyo na ang concert ticket nila ng BINI.


Ani Martin, ‘di siya nakikialam sa presyo ng tiket sa concert niya dahil kung siya lang, kahit free ay magpe-perform siya para sa mga fans.


Pero sa ticket price ng BINI, ayaw daw niyang mag-comment dahil wala siyang idea kung bakit ganu'n kataas ang presyo, pero naiintindihan daw niya dahil sikat naman talaga at in demand ngayon ang all-female group.


Anyway, sa The King 4Ever, bukod sa all-out performance ni Martin, kaabang-abang din ang mga guests niyang sina Pops Fernandez, Regine Velasquez at The CompanY (capital Y daw talaga, as per Jun Lalin).



MULING magsasama ang dalawang pambatong newscasters na sina Korina Sanchez at Pinky Webb sa major television debut ngayong Lunes, September 9, ng Bilyonaryo News Channel, ang Agenda


Exciting ang pagsasama ng dalawa dahil kung si Ateng Korina ay kilala sa diretsong estilo ng pagtatanong sa mga guests niya, si Pinky naman ay may kalmadong pagbabalita na hahatak sa mga manonood.


Bahagi rin ng Agenda si Jam Alindogan, na isang internationally-acclaimed correspondent at co-founder ng aid organization na Sinagtala. 


Isa pang beterano sa pagbabalita at walang takot na mamamahayag na si Nancy Carvajal ang makakasama dalawang beses sa isang linggo para sa mga special reports.

Ang Agenda ay araw-araw matutunghayan sa primetime newscast mula 6PM hanggang 7PM. 


Ang headline grabbing program na ito ang magiging pangunahing plataporma ng Bilyonaryo News Channel laban sa propaganda ng mga taong nasa kapangyarihan at panlaban sa mga nagkakalat ng fake news. 


Ang Bilyonaryo News Channel ay available sa free-to-watch television channel na BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng mga digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga), gayundin sa pangunahing cable TV provider na Cignal Channel 24.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page