top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Phoenix Super LPG, hindi pinaporma ang Tropang Giga

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | February 14, 2022




Isinalpak ni Matthew Wright ang isang winning layup mula sa magandang depensa sanhi ng turnover, habang kaantabay nito ang matinding pagpigil na makabuslo ng in-bound play ang TNT Tropang Giga upang maitakas ng Phoenix Super LPG ang panalo sa 93-92 kagabi sa PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.


Bumuslo ng double-double performance ang 31-anyos na Filipino-Canadian na si Wright ng 27 puntos upang madala ang Super LPG sa ikalawang sunod na panalo. Tumulong sa kanya sina RJ Jazul na may 16pts, bagong import na si Dominique Sutton (13pts), Jason Perkins (12) at Sean Manganti (10pts).


Nakapag-ukit ng 9-point lead ang TNT sa 85-76 sa 6:26 sa fourth period mula sa mainit na kamay ni Mikey Williams na kumamada ng 13pts sa kabuuang 22pts, katulong si Jason Castro sa 7pts sa kabuuang 11pts sa final period. Ngunit hindi sumuko ang Phoenix sa pagtutulungan nina Jazul, Manganti, Sutton at Wright para idikit ang laro sa 92-91 sa nalalabing 27 segundo.


Dulot ng turnover ni Castro sa tapik ni Wright, napulot ni Jazul ang bola para sa libreng layup sa nalalabing 1.3 segundo. Napigilan ni Perkins ang banta ni Troy Rosario na isalpak ang inbound pass para mabutata ito sa pagtatapos ng laro.


Sumuporta para sa TNT sina Gab Banal na may 18pts, kay Aaron Fuller at 11pts kay Rosario. Nakamit ng Tropang Giga ang ikalawang sunod na pagkatalo ngayong taon na bumagsak sa 2-4 kartada matapos patuloy na hindi nakapaglaro sina Roger Pogoy (calf strain) at Poy Erram (lower back) na may iniindang injury, habang tumabla sa 4th spot ang Phoenix sa 4-2 kasama ang NLEX Road Warriors.


“It’s a good win and a grind victory, we got underman because of injuries, but we’re excited to go back and play as hard as we can. I just to step up my game, even though they are rough and physical, but I tried to match their physicality’s by not giving up getting the victory,” pahayag ni Wright. Mga laro sa Miyerkules: Smart Araneta Coliseum -3:00 n.h. – NLEX Road Warriors vs Magnolia Pambansang Manok Hotshots; 6:00 n.g. – San Miguel Beer vs TNT Tropang Giga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page