Phl Women's Team, 7th Place vs. Uzbekistan sa AVC Cup
- BULGAR
- Jun 26, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | June 26, 2023

Tumapos sa ika-pitong pwesto ang Pilipinas sa 2023 AVC Challenge Cup for Women matapos ang manaig kontra sa Uzbekistan sa iskor na 25-14, 13-25, 25-18, 25-18 kahapon sa Tri Dharma Petrokimia Gresik Gymnasium sa East Java, Indonesia.
Nagtulungan sina incoming rookie spiker mula Akari Chargers Faith Nisperos kay Shaya Adorador ng Foton Tornadoes at Aiza Maizo-Pontillas ng Petro Gazz Angels upang makabangon sa masamang second set na laro upang tapusin ang two-game losing skid ng bansa sa torneo.
Bumanat ang dating Ateneo Blue Eagles power-hitter ng kabuuang 17 puntos sa ikalawang paglahok sa national squad matapos masilayan noong AVC Women’s Club Championship sa Thailand noong 2021 sa ilalim ni coach Jorge Souza de Brito ng Brazil.
Sumaklolo sina Adorador sa 13 pts at Maizo-Pontillas sa 12pts, habang mayroong siyam na puntos si Ezra Madrigal upang maiangat ang bansa sa fourth set at tumapos sa ika-7th sa kabuuang 11 na koponan sa torneo.
Naging mahusay ang pagsisimula ng women’s squad ng maagang dominahin ang first set sa 25-14, subalit kinulelat ng husto sa second set ng bumanat para sa Uzbeks sina Tursunpulatova Malikakhon at Boymirzayeva Dilnoza para itabla ang laro sa 13-25.
Nakabangon naman sa third set ang Pinay spikers ng pangunahan ni Nisperos ang atake ng bansa, habang tumulong na rin si Madrigal sa laro.
Naging maganda ang simula ng kampanya ng bansa sa torneo ng pulbusin ang Macau sa straight set, habang nabaon sa host country na Indonesia sa sumunod na laro.
Nagkaroon ng tsansang makapasok sa semifinals ang Pilipinas ang talunin ang India sa dikdikang fifth set na laro sa semifinal berth, hanggang sa payukuin ng Australia.
Nabigo ang bansa laban sa Iran sa classification round para sa 7th place game.








Comments