top of page
SPECIAL - MARICEL, NGIWI AT NANINIGAS ANG PANGA SA PAGSASALITA, DAHIL DAW SA DROGA_FB Mari

Phl Team giniba ang Cambodia sa AFC U17 Asian Cup qualifiers

Writer: BULGAR
BULGAR
4 days ago
1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | November 10, 2026



Bumida ang Philippine Team sa 2027 AFC U17 Asian Cup Qualifiers Grupo A sa 2-1 tagumpay sa Cambodia. (ASEANFootball) 

Photo: Bumida ang Philippine Team sa 2027 AFC U17 Asian Cup Qualifiers Grupo A sa 2-1 tagumpay sa Cambodia. (ASEANFootball) 


 

Laro sa Miyerkules - Thuwunna

4:30 PM Pilipinas vs. Indonesia


Niyanig ng Philippine Team ang unang araw ng 2027 AFC U17 Asian Cup Qualifiers Grupo A sa 2-1 tagumpay sa Cambodia sa Starcity Sports Club Stadium sa Thanlyin, Myanmar. Ipinasok ni forward Kai Muller ang nagpapanalong goal sa ika-69 minuto.


Si Muller din ang nagtala ng unang goal sa ika-39. Nagawang itabla ng Cambodia ang laban sa 1-1 matapos ang goal ni forward Long Bich sa idinagdag na isang minuto matapos ang takdang unang 45.


Susunod para sa Pilipinas ang Indonesia ngayong Miyerkules sa mas malaking Thuwunna Stadium sa Yangon. Tinalo ng Afghanistan ang Indonesia, 4-1, sa likod ng hat trick o tatlong goal ni Mohammad Fahim Hammas kasabay ng panalo ng mga Pinoy.


Ang iba pang laro ng Pilipinas ay kontra host Myanmar sa Nob. 14 at Afghanistan sa 20. Tanging ang numero uno lang sa grupo ang tutuloy sa torneo mula Mayo 12 hanggang 29, 2027 sa Uzbekistan.


Samantala, maghahain ng apela ang Philippine Football Federation sa AFC para sa ipinataw na suspensiyon sa bansa bunga ng biglaang pag-atras sa 2027 AFC U20 Asian Cup Qualifiers noong Agosto 31 hanggang Set. 6, 2026 sa Kyrgyzstan. Dahil dito, hindi makakalahok ang Pilipinas sa 2029 U20 Qualifier na maaaring pagbidahan ng mga kasalukuyang U17.


Nagpaliwanag ang PFF na umatras sila dahil nakatutok noon sa makasaysayang pagbabalik ng bansa sa Aichi-Nagoya Asian Games.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page