top of page
Search
  • BULGAR

PhilHealth System, na-hack

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | September 29, 2023


Nitong mga nakaraang araw ay laman ng balita ang pagkaka-hack ng system ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


Nanghihingi umano ang Medusa ransomware group ng US$300,000 o nasa P17 million kapalit ng data na nakuha nito sa PhilHealth.


Nilinaw ni Department of Information and Communications Technology Usec. Jeffrey Ian Dy, na hindi kasama ang data ng mga PhilHealth members sa mga nakompromiso, at magiging available na muli ang online services ng PhilHealth sa susunod na mga araw.


Binigyang-diin din ng DICT na hindi nito babayaran ang hinihinging ransom.


☻☻☻


Seryosong usapin ang cybersecurity para sa pamahalaan.


Nasa 3,000 cyberattack cases daw ang naitala ng DICT mula January hanggang August ng taon na ito.


Maraming mahalaga at sensitibong impormasyon ang nasa database ng iba’t ibang ahensya at government-owned and controlled corporation (GOCC) gaya ng Government Service and Insurance System at Social Security System, Department of Foreign Affairs, at iba pa.


Kaya’t mahalaga na nag-i-invest din ang pamahalaan sa maayos na cybersecurity upang masiguro na ligtas ang mga impormasyon tungkol sa mga kababayan natin.


Suportado rin natin ang pagbibigay ng mas mataas na pondo sa DICT Cybersecurity Bureau upang mapaigi ang kakayahan nilang tumugon sa mga cybersecurity threat.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page