top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PhilHealth, sagot na ang cartridge-based PCR tests

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18, 2021
  • 1 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 18, 2021



Hello, Bulgarians! Upang lalong mapalakas ang testing capacity ng bansa, inanunsiyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sasagutin na nito ang cartridge-based polymerase chain reaction o PCR tests ng mga miyembrong sasailalim sa nasabing pagsusuri sa SARS-CoV-2 alinsunod sa panuntunan ng Department of Health (DOH).


Batay sa PhilHealth Circular No. 2021-0003 na inilathala kamakailan, ang bagong benepisyong ito ay nagkakahalaga ng P1, 059 hanggang P2, 287 na direktang ibabayad sa mga accredited na laboratory tulad ng mga sumusunod:

Ang mga miyembrong magpapa-test gamit nito ay sasagutin ng PhilHealth kung sila ay kabilang sa alinmang sub-groups ng “at risk” individuals na nangangailangan ng SARS-CoV-2 testing alinsunod sa DOH Memorandum No. 2020-0258-A. Kabilang dito ang may mga sintomas at history ng paglalakbay o contact; walang sintomas ngunit may history ng paglalakbay o contact sa mga taong may high exposure; contact-traced individuals; healthcare workers; at iba pang vulnerable na pasyente tulad ng mga buntis, immune-compromised at mga pasyenteng nagda-dialysis; overseas Filipino workers na nagbabalik bansa, at frontliners kabilang ang mga kagawad ng mass media.


Ayon pa sa PhilHealth, ang mga miyembro ay hindi dapat singilin ng co-payment o karagdagang bayad sa itinakdang pakete, maliban kung ang pasyente ay gumamit ng karagdagang serbisyo tulad ng online appointment, drive-thru, home service at iba pa.


Sa karagdagang impormasyon, maaaring i-download at basahin ang kabuuang guidelines sa https://www.philhealth.gov.ph/circulars/2021/circ2021-0003.pdf o magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page