PhilHealth at MMDA, pinagtibay uli ang partnership para sa public health education
- BULGAR
- 7 hours ago
- 2 min read
ni Fely Ng @Bulgarific | May 12, 2025

Hello, Bulgarians! Muling pinagtibay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang long-standing commitment sa public health education, na binuo sa anim na taong partnership.
Nanguna sa seremonya ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) noong Mayo 8, 2025 sa Makati City sina PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado at MMDA Acting Chairperson Atty. Romando S. Artes, na sinamahan ng mga pangunahing opisyal mula sa dalawang ahensya.
Ang panibagong MOA ay minarkahan bilang pagpapatuloy ng kanilang pagtutulungan na palakasin ang kamalayan ng publiko at pag-unawa sa mga benepisyo ng PhilHealth na patuloy na pinahuhusay ayon sa mandato ng Universal Health Care Law.
Sa ilalim ng MOA, gagamitin ng MMDA ang kanilang marketing communication channels kabilang ang digital at non-digital media platform para tumulong sa pagpapakalat ng napapanahon at tamang impormasyon sa mga inisyatiba at kampanya ng PhilHealth. Ang PhilHealth naman ay magbibigay ng mga updated Information, Education and Communication (IEC) materials, at onsite registration sa mga orientation activities.
Binigyang-diin ni Dr. Mercado ang halaga ng pagtutulungan sa pagsusulong ng mga layunin sa kalusugan ng publiko. “Through the signing of this memorandum of agreement we reinforce our joint commitment towards protecting the health and safety of the Filipinos in our shared dedication in delivering Universal Health Care to the Filipino people. Kasama po rito ang pagbibigay ng anunsyo nu’n pong information sa ating mga miyembro,” ani Mercado.
Bilang tugon, sinabi ni Atty. Artes na nag-renew ang kanilang ahensya ng suporta sa PhilHealth’s information drive. “All of our facilities and assets will be used especially in the promotion of this beautiful project,” saad ni Artes.
Ang magkasanib na pagsisikap ay sumusuporta sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Act sa pamamagitan ng paghikayat sa pampublikong pakikipag-ugnayan at edukasyon, lalo na sa mga matataong lugar kung saan ang komunikasyon sa kalusugan ay mahalaga.
Para sa karagdagang detalye, maaaring tumawag ang mga miyembro sa 24/7 touch points ng PhilHealth (02) 866-225-88 o sa mga mobile number (Smart) 0998-857-2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-1275987 o 0917-1275987 o 0917-109187.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments