top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pharaoh's Star bumida sa 3-Year Old Maiden Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 1, 2022

Nagwaging dehado si Pharaoh's Star sa katatapos na 2022 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race" na pinakawalan noong Linggo ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Ginabayan ni veteran rider Jeffrey Bacaycay, lumabas na pang-anim sa largahan si Pharaoh's Star habang nasa unahan naman at nag-uubusan ng lakas sina California King at Elegant Lady.


Pagsapit ng tres oktabo ay nangunguna pa rin si California King habang lumalapit naman sa unahan si Pharaoh's Star.


Pagsungaw ng rektahan ay nasa segundo puwesto na si Pharaoh's Star na dumaan sa tabing balya at sa huling 75 metro ng laban ay nakuha na nito ang unahan.


Nilista ni Pharaoh's Star ang tiyempong 1:37. 2 minuto sa 1,500 meter race sapat upang hamigin ng horse owner na si Jimmy Calomot ang premyong P720,000.


Sumegundo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ay si California King na kumubra ng P240,000.


Dumating na tersero si King Hans na nakapag-uwi ng P120,000, pang-apat si Ipolitika na humamig ng P60,000 habang nasungkit ng fifth placer na si Elegant Lady ang P36,000.


Samantala, nagpakitang gilas naman si Filipino Emperor sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinatakbo sa pang-anim na karera.


Si Filipino Emperor ay anak ng sikat at champion horse na si Juggling Act habang ang ina niya ay si Feverishly, nilista nito ang 1:32 minuto sa 1,400 meter race upang sungkitin ang added prize na P5,000.


Ginabayan ni NJ Esteban, nagwagi si Filipino Emperor ng may isang kabayong agwat sa pumangalawang si Abel Iloko, tumersero si Nounpareil.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page