top of page
Search
BULGAR

Mahigit 4K pasyente sa Undas, narespondehan ng Red Cross

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 2, 2023




Umabot sa 4,276 pasyente ang nirespondehan ng grupo ng Emergency Medical Services (EMS) ng Philippine Red Cross (PRC) para sa Undas 2023 Operations sa buong bansa hanggang sa tanghali ng Huwebes, ika-2 ng Nobyembre.


“Our mission at the Red Cross is to save lives. Our EMS teams are always ready to respond to medical emergencies,” sabi ni PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Richard “Dick” Gordon sa isang pahayag.


Sa inaasahang pangangailangan sa medical emergency ng mga taong naglalakbay upang makasama ang kanilang pamilya sa pagdaraos ng All Saints’ Day at All Souls’ Day, naka-deploy na ang mga grupo ng PRC EMS mula pa noong Oktubre 27.


Binanggit ng PRC na walong pasyente mula sa 4,276 ang dinala sa mga medical facility.


Samantala, pinuri ni Gordon ang mga miyembro ng yunit ng EMS para sa “job well done.”


“Because of our EMS Unit’s dedication day in day out, I believe that the Philippine Red Cross has more experience and a stronger understanding of EMS needs in the Philippines than any other organization,” dagdag ni Gordon.


Kabuuang 1,808 personnel ang itinalaga para mag-operate ng 303 mga first aid stations, 80 ambulance units, at pitong emergency vehicles.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page