Ph Army, overall champ sa ROTC Games Nat'l Finals
ni Clyde Mariano @Sports | October 29, 2023

Tulad ng inaasahan dahil malakas at maraming kadete na sumali galing sa iba’t-ibang unibersidad at kolehiyo sa bansa sa ilalim ng bandila ng PH Army, matagumpay na napanalunan ng mga kawal ang general overall championships sa 2023 ROTC Games sa Rizal Memorial Sports Complex at Philsports Arena sa Pasig City kung saan ginawa ang National Grand finals at naglaban-laban ang mga nanalo mula sa Visayas, Mindanao, Luzon at National Capital Region.
Humakot ang Army Jungle Fighters ng 20 golds, 16 silvers at 18 bronzes sa kabuuang medalya na 54, lamang na 23 medals sa segundang Navy na nakakuha ng 28 medals kasama ang 9 golds, 7 silvers at 15 bronzes. Pumangatlo ang Air Force sa 2 golds, 8 silvers at 13 bronzes.
Maraming atleta sa Army ang gumawa nang pangalan sa unang edition ng ROTC Games, at ang isa sa pinaka-outstanding performance ay si Jessel Mae Licup. Si Licup, tubong Bicol ay criminology student sa University of Baguio na nanalo ng 3 ginto sa 100m, 200m at 4xs100m relay at itinanghal na unang “sprint queen” ng ROTC Games.
Nanalo rin si Kent Jardin, tubong Iloilo ng Adamson University ng 3 ginto kasama ang 200m at 4x400m relay. Pitong sports arnis, athletics, basketball 3x3, boxing, esports, kickboxing at volleyball ang sinuportahan ng Philippine Sports Commission.
Itinaguyod ang ROTC Games sa tulong ng Commission on Higher Education, Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines at Local Government Units.





Comments