top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

PFL: Solo sa top spot, pakay ng Dynamic Herb vs. Mendiola

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 24, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | September 24, 2022



Tatangkain ng rumaragasang Dynamic Herb Cebu FC ang solong liderato sa pagpapatuloy ng 2022-2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways ngayong Sabado laban sa Mendiola FC 1991 sa City of Imus Grandstand sa Cavite simula ng 4 p.m. Kasabay nito ay parehong magbabalik-aksiyon ang Azkals Development Team at Stallion Laguna FC sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.


Kasalukuyang sumasakay ang Gentle Giants sa tatlong sunod-sunod na panalo at maaari nilang lampasan ang numero uno at nagpapahingang Kaya FC Iloilo kung magtatagumpay. Nagwagi ang Cebu sa Mendiola, 7-1, noong Set. 16 sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.

Hawak ng Cebu ang kartadang 4 na panalo, 2 tabla at isang talo para sa 14 puntos, isa ang hahabulin sa Kaya na may 15 puntos mula sa limang panalo at isang talo. Kahit medyo nasa ilalim ng liga ang Mendiola na may isang panalo lang sa limang laban, lagi nilang pinapahirapan ang kalaro subalit kinakapos sa huli.


Samantala, itinalaga ng Maharlika Manila FC si Arman Esteban bilang bagong coach kapalit ng Koreanong si Kim Jeong Il. Kulelat sa liga ang “Koponan ng Masa” na may pitong sunod-sunod na talo at inaasahan na ang bagong coach ang magiging susi ng kanilang pagbawi sa liga.


Si Coach Esteban ay may karanasan bilang coach sa Mapua University at UST. Kasabay ng kanyang pagpirma ay kumuha rin ang Maharlika ng tatlong dating manlalaro ng Batang Azkals na sina Lawrence Baguio ng College of Saint Benilde at Job Ambong at Japphet Pinero ng National University.

Mga laro ngayong Sabado: 4:00 PM Mendiola 1991 vs. Dynamic Herb Cebu (Imus Grandstand) 4:00 PM Azkals Development Team vs. Stallion Laguna (Rizal Memorial)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page