PEZA Director, nakiki-fake news na rin, bilyong piso raw ang bunga ng foreign trips ni PBBM
- BULGAR
- Apr 8, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Abril 8, 2024
PANG-UUNGGOY LANG SA MGA MIYEMBRO NG KANYANG SEKTA ANG SINABI NI QUIBOLOY NA ‘ANAK DAW SIYA NG DIYOS’ -- Noon ay madalas sabihin ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na wala raw siyang kinatatakutan, kahit nga raw kay “Lucifer” ay hindi siya natatakot dahil anak daw siya ng Diyos, pero ngayong may warrant of arrest na siya kaugnay sa mga kasong child sexual abuse at child sex trafficking na kinakaharap niya sa Pilipinas, ang sabi niya ay hindi raw siya nagtatago, natatakot lang daw siyang mapatay kaya ayaw niyang sumuko sa mga otoridad.
’Yang sinabi ni Quiboloy na natatakot siyang mapatay ay pagpapatunay na inuunggoy lang niya ang mga miyembro ng kanyang sekta sa sinabi niyang “anak daw siya ng Diyos”, boom!
◘◘◘
SA LAHAT NG MOST WANTED CRIMINAL, SI QUIBOLOY ANG DEMANDING -- Ayon kay Pastor Quiboloy, kung magbibigay daw ng garantiya sa kanya ang Marcos administration na hindi siya isusuko sa Federal Bureau of Investigation (FBI) kaugnay sa mga kaso niyang sex trafficking of children, sex trafficking by force, fraud and coercion at bulk cash smuggling sa United States of America.
Hay naku, sa lahat ng mga most wanted criminal, eh itong si Quiboloy ang demanding, buset!
◘◘◘
HARRY ROQUE, NAPAKASINUNGALING -- Sabi ni former presidential legal counsel Salvador Panelo ay nagkausap daw sila ni ex-P-Duterte at ayon daw sa dating presidente ay walang naganap na gentleman’s agreement sa pagitan nila ni Chinese Pres. Xi Jinping na walang repair materials, na tanging pagkain at tubig lang ang dadalhing supply ng gobyerno sa BRP Sierra Madre na nakadaong sa Ayungin Shoal.
Kung totoo ang sinabing ito ni Panelo, aba’y nuknukan pala ng sinungaling ang dating spokesman ni ex-P-Duterte na si Harry Roque kasi siya ang nagdadaldal na may gentleman’s agreement ang ex-president at si Jinping para sa status quo sa BRP Sierra Madre, period!
◘◘◘
PEZA HEAD, NAKIKI-FAKE NEWS NA RIN -- Ibinida ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga na nagbunga raw ng P175.7 billion investment sa Pilipinas ang mga foreign trips ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM).
Pati head ng PEZA nakiki-fake news na rin kasi kahit isang foreign investors wala pang nagtatayo ng negosyo sa ‘Pinas, tapos sasabihin niyang P175.7 billion daw ang ibinunga ng mga foreign trips ni PBBM, period!
◘◘◘





Comments