top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Personal na alitan, posibleng motibo sa pagpatay kay Jumalon

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2023
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 7, 2023




Naniniwala ang naiwang misis ni Juan Jumalon o mas kilalang Johnny Walker na personal na alitan ang motibo sa nangyaring pagpatay sa kanyang mister.


Ayon kay Jerrebel Jumalon, misis ni Walker, maaaring konektado ang pagpatay sa kanilang negosyo o problema sa lupa na nakarating na rin sa korte.


Nakarinig ng komusyon sa labas ng kanilang bahay ang misis ni Jumalon bago marinig ang magkasunod na putok ng baril.

Hindi kumbinsido si Jerrebel na kaugnay sa trabaho ng kanyang asawa ang pagpatay dito dahil hindi naman komentarista si Juan at simpleng broadcasting lang ang trabaho nito.


Samantala, kasalukuyang ginagawan ng aksyon ni Presidente Bongbong Marcos Jr. ang pag-atake sa mga mamamahayag pati ang pagbibigay hustisya sa nangyaring pagbaril kay Jumalon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page