'Period of national mourning' para kay FVR, idineklara ni P-BBM
ni Lolet Abania | August 1, 2022

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang period of national mourning para sa namayapang dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Ito ay magiging epektibo 10 araw mula sa official announcement ng pagpanaw ng dating pangulo, ayon sa Office of the President ngayong Lunes.
Batay sa Chapter 1 ng Republic Act No. 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines”, nakasaad, “The Philippine flag shall be flown at half-mast as a sign of mourning on all buildings and places it is displayed.”
Nitong Linggo, nagpaabot na ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya ni Ramos na pumanaw sa edad na 94.
Nanawagan din ang Punong Ehekutibo sa mga Pilipino na ipanalangin si Ramos para sa eternal repose nito.
Nagsilbi si Ramos bilang Armed Forces of Philippines (AFP) vice chief of staff sa ilalim ng administrasyon ng ama ng Pangulo na si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. hanggang 1986.





Comments